Case 17

32.7K 692 151
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana na katabi ng upuan ko. Kanina pa dadak ng dadak si Ma'am English pero wala akong naiintindihan dahil wala ang utak ko sa klase. Absent-minded. Physically present, mentally absent.

Iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon ang sinabi ni Frank. Speaking of Frank, katabi ko pa rin naman siya sa sitting arrangement, pasalamat na nga lang ako at hindi na niya nilalayo ang upuan sakin, e. Hindi nga lang niya ako kinakausap.

Hay! Ewan ko ba! Naguguluhan ako sa sarili ko! Mahal ko si JM, oo. Pero natatakot ako sa pagmamahal ko sa kanya dahil gawa ni Mary. Pero bakit ginugulo ng sistema ko ang Frank Lavarino na yan?

"Girl, okay ka lang ba? Kanina ka pa matamlay? May LQ ba kayo ni JM?" Utas ni Conrad nung nasa cafeteria kami para magbreak time.

"Okay lang ako atsaka hindi pa kami ni JM kaya walang LQ." Tugon ko.

"Okay ka lang? Eh, kanina ka pa matamlay diyan! Spit it out, Zai! Alam kong may problema ka." Utas namam ni Grace.

"Okay nga lang ako."

Magsasalita pa sana si Grace kaso sinubuan na siya ng french fries na binili ni Conrad.

"Tumahimik ka na, gaga ka! Sinabi na ni Zaira na okay siya..." Sabi ni Conrad.

Bumuntong-hininga ako at nilibot ang tingin sa buong cafeteria. Leche! Bakit sa dinami-raming table na pwedeng mapakuan ng mga mata ko ay kailangan dun pa sa table nila Frank?

Gusto ko siyang sugurin habang yapus-yapos niya ang beywang ng babaeng hindi ko kilala. Nakakainis! Napakalandi! Haliparot! Tsss...

"Bakit nakakunot ang noo mo, Zai?" Tanong ni JM at hinawakan pa ang noo kong nakakunot.

"Hay nako, JM! Ewan ko ba dyan sa nililigawan mo! Kanina matamlay tapos ngayon nakakunot ang noo, may sayad na yata, patingnan mo nga!" Lalaking boses ni Conrad ang sumagot kay JM.

Ngumiti si JM. "Baka naman may sakit si Zaira... Hayaan mo, nandito na naman ako, e. Gagaling na siya." Sabi niya at kinurot ang pisngi at ilong ko.

Halata mo kina Grace at Conrad na nagpipigil sila ng kilig.

Magsasalita na sana ako nang biglang may sumigaw sa isang table. Napatingin ako dun sa table at laking gulat na kina Frank pala yun.

"FRANK! YUNG PROJECT KO!" Sambit nung katropa niya na pinupunasan ang folder na nabasa ng tubig.

Tumingin ako kay Frank. Matalim ang tingin samin ni Frank habang dumidiin ang pagkakahawak niya dun sa beywang nung babae.

"F-frank, nasasaktan a-ako." Utas nung babae at tinanggal sa beywang niya ang kamay ni Frank.

Habang abala sa pagpupunas ang mga tropa ni Frank sa table nila na nabasa ng tubig, si Frank naman ay abala sa pagtatanim ng titig samin ni JM.

Tumayo si Frank. "Saan ka pupunta, pare?" Utas nung isa.

"Sa labas! Kinakagat ako ng langgam! Nakakabwisit!" Sabi ni Frank at lumabas na ng cafeteria. Agad namang nagsiyukuan ang mga nasa table ni Frank.

"Kinakagat ba kayo ng langgam?"

"Hindi."

"Sus! Ang tanong, langgam ba talaga ang kumakagat?"

Yun na lang ang huli kong narinig sa usapan nila dahil nagsalita si JM.

"Gusto mo kumain, Zai?" Tanong niya.

Tumango ako. Kumukulo na rin kasi ang tiyan ko sa gutom, e.

"Libre mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya at kinurot na naman ang ilong ko.

"Syempre, nililigawan kita, e." Sabi niya na mas lalong nagpakilig kina Conrad at Grace.

"Okay lang ba kung hiramin ko si Zaira?" Sabi ni JM.

"Nako! Go! Sige na!" Sabi ni Conrad at Grace.

Binili nga ako ni JM ng pagkain. Nagkwento siya tungkol sa kanya. Wala na nga akong maintindihan dahil okyupado ang utak ko dahil kay Frank.

Pucha na Lavarino iyan!

"Zai, okay ka lang ba talaga?"

Ito ang pangsampung tanong sakin ni JM kung okay lang ba ako.

Tumango ako. "Oo naman..." Sabi ko. Pero nagsisinungaling ako. Hindi naman talaga ako okay, e.

"Uh, JM, mag-c-cr lang ako." Utas ko at tumayo.

"Gusto mo samahan na kita?" Sabi niya at tumayo na rin. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Nako! Hindi na! Hintayin mo na lang ako dito!" Sabi ko.

Tumango siya. "Mag-iingat ka, Zaira." Sabi niya kaya umalis na ako.

Kahanay ng hallway ng cafeteria ang mga classrooms kabilang ng amin kaya madadaanan ko ito. Dalawang classrooms na ang nadaanan ko, isa na lang at makikita ko na ang classroom namin.

Nang makadaan ako sa classroom namin, laking gulat ko nang may bigla akong narinig na ungol sa loob nun. Sinilip ko ito at laking gulat nang makita si Rocco at Calliope na gumagawa ng milagro.

Shit! Patay na sila, ah! Napako na naman ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

A-anong ibig sabihin nito? I-ito ba yung nangyari noong mamatay silang dalawa?

"Uhhh..." Ungol nila nang makarating sila sa langit, siguro.

Nagbihis sila. "Walang dapat makaalam nito, Rocco." Utas ni Calliope habang binubutones ang blusa niya.

Nagbebelt naman si Rocco nang sagutin niya si Calliope. "Bakit ba kasi ayaw mo pang ipaalam sa lahat na tayo na?" Tanong niya.

Lumapit si Calliope kay Rocco nang mabutones niya ang blusa niya. Niyakap niya si Rocco sa likod.

"Dahil masisisira ako. Running for class valedictorian ako, Rocco. Natatakot lang ako na baka makaapekto ang relasyon natin." Sabi ni Calliope at hinalikan si Rocco sa tainga.

"Natatakot ka na baka makaapekto ang relasyon natin sa pagiging valedictorian mo, e, samantalang may mas dapat ka pang ikatakot diyan."

Biglang bumagsak ang upuan kaya nagulat silang dalawa. Nagpatay-sindi ang ilaw. Sa itaas lang sila nakatingin. Yakap-yakap ni Rocco si Calliope. Mula sa likod nila ay nakikita ko si Mary.

Palapit nang palapit si Mary kay Calliope at Rocco nang biglang may humatak sakin.

Napatingin ako sa humahatak sakin. Bakit ba parang ang bilis ng tibok ng puso ko? Ah. Kaya naman pala, e. Si Frank lang naman pala, e.

WHAAAAAT?! SI FRANK?!

"F-frank, nasasaktan ako, ano ba!" Sambit ko at malakas na binawi ang kamay ko sa kanya.

"Kung nasasaktan ka, ano sa tingin mo ang nararamdaman ko, Zaira? Kamatayan?" Sambit niya.

Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigo, lungkot, at sakit.

"Ano ba kasi ang problema mo?" Tanong ko.

Ginulo niya ang buhok niya at tumalikod sakin.

"Ikaw ang problema ko! Nababaliw na ako sa kakaisip kung paano ka aagawin sa lalaking yun!"

"Eh bakit mo ba kasi ako aagawin sa kanya?!" Galit ko na ring utas. Nakakabwisit na kasi siya, e!

"Dahil mahal kita!" Sigaw niyang nakapagpatahimik sakin.

"AH! Shit! Shit! Shit!" Panay ang mura niya habang ginugulo pa rin ang buhok. "Mahal na mahal kita, Zaira at hindi ko maatim na makita kang may kasamang iba." Sabi niya na talaga namang nakapagpatunaw ng galit ko sa kanya.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon