Case 26

28.2K 544 25
                                    

Napa-atras ako. Mabuti na lang talaga at nasalo ako ni Popoy. Mabilis ang mga paghinga ko. Sinulyapan ko si Marie na ngayon naman ay kinakabahan ang mukha. Siguro dahil iyon sa inasal ko. Binalik ko ang tingin ko kung saan nakita ko si Mary. Wala na siya. Napatingin ako sa malayo at dun ko siya nakitang nakatayo.

"Zaira!" Bulyaw ni Popoy at niyugyog pa ako.

Napatingin ako sa kanya. "P-popoy." Tawag ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya.

Mabilis pa rin ang bawat paghinga ko.

"N-nakita ko si Mary."

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon kay Popoy pero nagsisi agad ako kung bakit ko pa nga ba sinabi sa kanya.

"Gutom ka ba?" Tanong niya.

"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako gu-" Naputol ang sinasabi ko dahil sa biglaang pagkulo ng tiyan ko.

Ngumisi si Popoy. "Hindi ka nga gutom." Sabay tayo niya at pagpag sa puwitan niya. Naglahad siya sakin ng kamay. "Lika, kain tayo." Sabi niya. Kinuha ko naman ang nakalahad niyang kamay.

Tumingin siya kay Marie. "Sama ka samin, Marie." Utas niya. Ngumiti naman ang batang naassign samin at tumayo na sa bench.

Mas gumaganda si Marie kapag nakangiti siya. Nakikita ko ang takas na dimple niya sa kanang bahagi ng pisngi niya.

Nagtungo kami doon sa kantina ng orphanage kung saan daw kumakain ang mga bata sa bahay-ampunan. Courtesy of Marie.

Nakakatuwang kasama si Marie. Walang preno ang bibig. Patuloy lang siya sa pagkukuwento tungkol sa buhay niya simula kung kailan at paano siya napunta sa bahay-ampunan na ito.

Ayon sa kwento ni Marie, namatay raw ang papa niya dahil sa pamamaril ng isang hindi nakikilalang tao at ang mama niya naman ay namatay dahil nagpakamatay ito dahil sa hirap ng buhay. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Marie. Kahit ako ay magiging ganun ang reaksyon.

Kinupkop siya ng tiyahin niya na kapatid ng papa niya pero sa kasamaang palad, inaabuso pala si Marie. Kaya pala mayroon siyang sugat sa kanyang mga binti at may marka ng kamay sa mga balikat.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming maglalakad-lakad sa corridor ng orphanage. Si Popoy naman ngayon ang nagkukuwento.

Sa tagal naming magkaklase ni Popoy, alam ko na ang buhay niya. Hiwalay ang mga magulang niya. Ang mama niya ay may sarili ng pamilya at ang papa naman niya ay nalulong sa drugs hanggang sa naging drug pusher kaya nakulong.

"Kawawa ka naman pala, Kuya Popoy." Sabi ni Marie. Bahagya namang ginulo ni Popoy ang mala-Dora'ng buhok ni Marie.

"Hindi naman ako kawawa, Marie." Sabi ni Popoy.

Ngumiti si Marie. Bumaling siya sakin. "Ikaw naman ang magkwento, Ate Zaira!" Masaya niyang utas. 

Hinawakan ko ang balikat niyang katabi ni Popoy.

"Namatay rin ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. At kagaya mo rin ay kinupkop ako ng tiyahin ko na kapatid ng papa ko." Sambit ko.

"Sinasaktan ka rin ba niya?" Tanong niya.

"Nako, hinde. Mabait ang tiyahin kong iyon."

Bumuntong-hininga si Marie. "Mabuti ka pa, Ate. Mahal ka ng pamilya mo. Ako kasi hindi."

"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Marie. Mahal ka nila."

"Kung mahal nila ako, bakit ako nandito?"

Nangangapa ako ng mga salita nang bigla akong makabangga ng isang sister na kasabay naming naglalakad. Nalaglag ang mga dala niya kaya yumuko ako para tulungan siya sa pagpulot.

"Nako, sorry po, sister."

"Okay lang, hija. Hindi mo naman sinasadya, e."

Nag-angat ako ng tingin at laking gulat ko nang makita ko si sister na nasa kaanyuan na ni Mary.

"MAMAMATAY KAYONG LAHAT!" Sigaw ni Mary.

Napa-atras ako. Mabilis ang paghinga ko.

Nang sulyapan ko si sister na nakabangga ko, hindi na siya si Mary.

"Zaira!" Palapit si Popoy sakin.

"Ate!" Palapit rin si Marie.

Sumulyap ako sa kanilang dalawa. Mabilis pa rin ang mga paghingang nilalabas ko.

"Zaira, ayos ka lang ba?" Tanong ni Popoy at inalalayan akong tumayo. Tumulong rin si Marie.

Tumingin ako dun sa pwesto nung madre kung saan kami nagkabanggaan pero wala na siya roon.

"N-nasaan yung madre'ng nakabangga ko?" Tanong ko kay Popoy.

Kumunot ang noo niya. Hinatak naman ni Marie ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ate! Ate! Wala ka namang nakabanggang madre, e."

Naningkit ang mga mata ko. Tumingin ako kay Popoy.

"T-totoo ba yung sinasabi ni Marie, Poy?" Tanong ko at sumulyap kay Marie na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Oo. Tayong tatlo lang ang naglalakad sa corridor ngayon, Zaira. Sinong madre ba ang tinutukoy mong nakabangga mo?" Sambit ni Popoy.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at dun, nandilim na ang paningin ko.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon