Case 36

27.4K 606 124
                                    

Dahan-dahan akong lumapit doon. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang bigat. Ang sakit.

Wala na si Frank.

At ang hirap tanggapin.

Yumuko ako ng bahagya para makalevel ko ang mukha ko sa mukha niya na nakatakip ng kumot. Gusto ko mang tanggalin iyon ay hindi ko pa rin magawa. Nanghihina ang mga kamay ko.

"Hindi ko man lang nasabi sayo kung gaano kita kamahal."

Hindi ko namalayang may lumandas na palang luha sa mga mata ko.

"Ni hindi ko man lang naranasan ang pakiramdam na maging boyfriend ang taong mahal ko." Sabi ko.

"... Mahal kita, Frank. Mahal na mahal."

Nagulat ako nang biglang may magsalita.

"Zaira?" Boses ni Frank iyon.

Shit.

Ginising ko ang patay.

"F-frank?"

"Zaira."

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang inangat ang paningin ko. Laking gulat ko nang makita si Frank na nakasilip sa may curtain.

"Frank?" Gulat kong tanong. "Kung buhay ka at nandyan..." Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kayakap ko ngayon. "Sino ito?!"

"Aba malay ko! Magkaroom lang kami!" Sabi ni Frank.

Agad akong lumayo doon kasabay nang pagbukas ng pintuan. Iniluwa noon ang dalawang lalaki na may dalang stretcher.

"Kukuhanin lang po namin ang pasyente." Sabi nung isa.

Agad kong pinagpag ang damit ko nang makalabas ang dalawa kasama ang bangkay na kayakap ko kanina.

Narinig ko ang paghagikgik ni Frank kaya binatukan ko na.

"Wala ka talagang awa, e, noh! Bugbog sarado na nga ako, sinasaktan mo pa rin." Bulyaw niya.

"Nakakainis ka kasi, e. Akala ko patay ka na. Akala ko ikaw yun. Hindi naman pala. Mabuti na lang at hindi ikaw yun." Sabi ko.

"So you really do care for me, huh?" Tanong niya.

Biglang bumukas ang pintuan  at iniluwa noon ang mga magulang ni Frank. Pasasalamat ko talaga at dumating sila dahil doon ay hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ni Frank.

"Zaira, bakit nandito ka?" Tanong ni Principal Francis na hindi ko agad nasagot dahil sumingit ang mama ni Frank.

"Ito ba si Zaira, huh, Frank?" Tanong nung mama niya.

Sumulyap ako kay Frank na tumango lang sa kanyang mama habang nakangisi sakin.

"You're right, Franklin. Ang ganda nga niya." Sabi nung mama niya.

Nahiya naman ako dun sa sinabi ng mama ni Frank. Tumingin ako kay Principal Francis. Sinabi niyang mag-usap kami sa labas. Sigurado akong papagalitan niya ako at tama nga ako. Pinagalitan niya ako dahil nag-cutting daw ako. Tumingin pa ao sa relo ko at napagtantong tama nga siya. Late na late na ako sa susunod kong klase pero pinagalitan niya ako sa mahinahong paraan.

"Pasensya na po talaga, Principal Francis. Pakisabi na lang po kay Frank na umalis na ako." Sabi ko nang magkaroon ako ng oras para magsalita.

"Sige, sasabihin ko. Bumalik ka na sa school, Zaira. Hindi kita maihahatid dahil wala ang driver ko."  At tinapik ako sa balikat.

Yan ang huling sinabi ni Principal Francis sakin bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Frank.

Bumuntong-hinininga ako.

Naglalakad ako nang bigla akong mabunggo ng isang nurse.

"Sorry, miss." Sabi ko at yumuko para kuhanin ang mga dala niya. Naaninag ko ang pagyuko niya rin. Tinutulungan niya akong magpulot.

Huling kong ibinigay sa kanya ang isang scalpel na may dugo. Nanginig ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at nakita ang nakakatakot na mukha ni Mary.

"The clock is still ticking, my dear old friend. Mamamatay ang dapat na mamamatay." Sabi niya at biglang nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako nang mayroong nurse sa tabi ko na chinecheck ang BP ko.

"Nasaan po ako?" Tanong ko.

"St. Peter's Hospital, miss." Sagot niya.

"A-ano pong nangyari?" Tanong ko ulit.

"Bigla ka na lang hinimatay. Yun ang sabi nung nurse na nakakita sayo." Sagot niya ulit.

Tumingin ako sa relo ko. Uwian na namin ngayon. Agad kong kinapa ang bulsa ng palda ko. Mabuti na lang talaga at dala ko ang cellphone ko!

Agad kong tinext si Grace kung nakauwi na ba siya. Ilang minuto ang lumipas bago siya makapag-reply sakin na nakauwi na siya. Nawindang pa nga ako dahil iba ang pagkakatext niya sakin. Ang eksaktong text niya sakin ay 'Nakarating na siya sa paroroonan niya.'

Biglang may nagsipasukan na mga nurse. Nawindang kaming dalawa nung kausap kong nurse. Hinahabaan ko ang leeg ko para tingnan ang paparating na pasyente pero nahaharangan ang mukha niya nanga natatarantang nurse.

Inilipat siya sa kama'ng katabi ko. Makikita ko na sana ang mukha nung pasyente kaso biglang tinakpan nung mga nurse ng curtains.

"Time of death..." Rinig ko sa likod ng mga curatins. "4:30PM."

Nagsi-alisan sila roon kaya nagkaroon ako ng oras para silipin kung sino iyon.

Nang sumilip ako, laking gulat ko nang makita ko si Grace doon na nakaratay at duguan.

Agad akong tumayo at lumapit kay Grace.

Shit.

"Grace!" Sigaw ko at agad siyang nilapitan.

"Miss!" Sigaw nung mga paparating na nurse at agad akong inawat.

"Grace!" Sigaw ko habang patuloy ang mga nurse sa pag-awat sakin.

"Hindi niyo ako naiintindihan! Kaibigan ko yan!" Sabi ko.

"Kaibigan ko yan."

Unti-unti na akong nanghina kaya hindi na ako nakapiglas pa. Napaluhod na lang ako at humagulgol habang tinitingnan si Grace na nakaratay sa kama.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon