Simula

1.9K 41 16
                                    

Simula

Malamig ngayong alas nuebe y media ng gabi at medyo malakas ang ihip ng hangin. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili. November na kasi kaya naman medyo lumalamig na ngayon sa buong Bicol.

Mabilis tuloy akong nagsisi kung bakit hindi ko dinala ang jacket ko.

"Besh, ayan na si Julian!" sambit sa akin ng katabi kong si Meg.

Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili habang hawak itong banner. Somehow, I like Zamarah's idea. Sigurado akong magugustuhan ito ni Julian lalo na't ngayon lang siya magce-celebrate ng kanyang birthday.

Nakatayo kami ngayon sa labas habang masayang nagtitipon-tipon. Pinagmasdan ko naman ang apartment ni Julian. Isa itong enclosed at secluded area kaya masasabi kong ligtas kami sa lugar na ito at ligtas din ang mga nangungupahan dito. This is a better place actually.

"Besh!"

Matalim kong nilingon si Meg nang siniko niya ako. Hindi ko magawang suriin ang ekspresyon niya ngayon kung nakangisi ba siya o ano. Siyempre, naka-off ang mga ilaw kaya naman sobrang dilim. Ni kahit mga anino namin ay wala akong makita. Tanging ang ilaw lamang ng poste sa labas ang naaaninag ko.

"Ayan na nga si Julian!" pag-uulit niya.

Tumango na lang ako at naghanda sa paparating na si Julian. Mas lalo kaming naging handa nang nakitang binuksan nito ang gate at pumasok na sa loob.

Kasabay ng pagkislap ng mga ilaw ay sabay-sabay naming binati ang kapatid ko, "Happy Birthday Julian!"

Gulat na gulat siya sa kanyang nakita at halos nanlaki ang kanyang mga singkit na mata habang tinitingnan kami. Most probably he's stupefied. Ang akala niya kasi kanina ay wala ng nakaka-alala sa mismong kaarawan niya.

"Ayiiiiieeh!"

Naghiyawan ang lahat nang biglang sumulpot sa likuran niya ang girlfriend niyang si Zamarah Quarteros. Tumulong na lang din ako sa pagpapaulan ng kantiyaw sa kanilang dalawa. Mas lalo kaming nalunod sa hiyawan ng lugar nang biglang halikan at yakapin ng kapatid ko ang girlfriend niya.

Hindi ko na napigilan ang pag-ngisi.

Hindi na 'yon bago sa'kin dahil malaki na ang kapatid ko at nineteen na siya ngayon. I certainly knows his limitation.

Ngumiti ako at nakihalubilo sa lahat. Ngunit bago 'yon at bago aksayahin ang oras sa pagkain ay isa-isa na nilang inilabas ang kani-kanilang gifts para kay Julian. Siyempre, mauuna muna ang ate niya. Ibinigay ko na agad iyon sa kapatid kong ngiting-ngiti habang naka-akbay sa girlfriend niya.

Ngumiti si Zamarah nang inabot 'yon ng kapatid ko.

"Wow! Thank you for being supportive Ate!" Tumawa siya't kumalas sa pagkakayakap kay Zamarah para yakapin na rin ako. I hugged him back.

Ang regalong binigay ko sa kanya ay isang makapal na libro about love for family. Kasi... kahit andami na naming pinagdaanan ngayon ay nagagawa pa naming magsaya nang ganito.

"Ito naman ang regalo ko sa'yo, Julian..." Bumitiw kami nang iwagayway ni Meg ang gift niya sa harap namin. "Since nakita ko no'ng isang araw ang ginagamit mong cellphone ay basag na Nokia kaya itong iPhone ang regalo ko sa'yo!" Humalakhak siya nang sinabi niya iyon.

Tumawa ako't umiling. Baliw talaga ang babaeng ito!

"Ayiiiiiieh!" Naghiyawan naman kaming lahat nang binigay ni Zamarah ang gift niya kay Julian.

Hindi ko alam kung ano iyon. Well, I'm pretty sure that Julian will surely appreciate her gift.

Wala pang ilang minuto ay inubos na namin ang oras sa pagkain. Minsan lang kasi mangyari ito dahil bukas ay first day na ng second semester kaya kailangang i-enjoy nang husto ang gabing ito. Limitado lang din ang mga na-invite. Mga kaklase ko sa college at mga kaklase at barkada ni Julian sa Grade 12.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon