Chapter 4
ManagerSa sumunod na araw ay inabala ko na lang ang sarili sa trabaho at pag-aaral. Medyo hassle lang dahil pagod at puyat ang aabutin ko pagsapit ng umaga. Sa umaga't hapon ay nasa eskuwelahan ako. Pagkagaling ko sa school ay didiretso naman ako sa Sharis cafe para magtrabaho.
Straight iyon lahat.
Palaging alas kuwatro y media ng hapon ang alis ko sa school. Mula ala sais y media naman hanggang pasado alas nuebe y media ng gabi ang aking part time ngunit bago mag-five ay dapat nandoon na.
Nagpapasalamat din akong hindi ako na-terminate sa trabaho. Pinagsabihan lamang ako ng co-manager na si Ma'am Teresa sa absence ko at pinaalam ko rin ang nangyari kaya hindi ako nakapasok noong araw na iyon.
Sa pagsapit naman ng Sabado ay may trabaho pa ako roon pero half day lang kaya halos isang araw lang ang gugugulin ko sa aking pag-aaral.
I sighed deeply and shrugged it off. Being a working student is arduous but I know I can do this. Sikap at tiyaga lang talaga.
Tuwing umaga ay madalas akong nagtitext doon sa bahay. Si Jillian ang gumagamit ng cellphone dahil sabi nito'y ayaw na raw ni Mama gumamit noon. Tinitext ko ito kung kumusta ang araw niya; ang kanyang pag-aaral at kung maayos ang kalagayan nila ni Mama. Maayos naman sila roon at sa umaga ay palaging naglilibot si Mama ng mga tinitindang gulay sa baryo.
Muli akong nagbuntonghininga. Sunday lang ang free time ko at mag-iisip talaga ako ng paraan upang makabisita muli sa bahay. Hindi ko natanong si Julian sa pagbisita niya roon noong inihatid niya si Jillian pabalik sa bahay.
"Bye, besh! Sabay na tayo mamayang uwian, ah!" pabulyaw na sambit ni Meg habang nagmamadali sa pagsampa sa malapit nang umalis na tricycle.
Kinawayan ko siya't hilaw na natawa sa pagmamadali niya. Alas siyete y media kasi ang start ng class niya at pasado alas siyete na ngayon. Mamayang alas otso y media naman ang klase ko.
This is our routine everyday. Ani Meg, being a college and working student at the same time really sucks. But it's alright, anyway. I will treasure these challenging moments and in return, I know a great blessings will come.
Naglagay ako ng powder sa mukha bago itinali sa ponytail ang buhok. Just a bits of it to highlight my features. Humikab ako't nagmadali ng lumabas ng bahay.
Pagkasarado ko ng gate ay nagulantang ako nang tumambad si Trevor sa harap. Parang dagundong ng tren ang nagwala agad sa dibdib ko. Palagi na lang siyang nanggugulat. Wala bang araw na marahan lang siyang magpapakita sa akin?
He curved a smile in an instant upon seeing my flabbergasted reaction. Matamis ang kanyang ngiti nang lumapit siyang nakapamulsa habang ako naman ay hinahagilap ang ilang hibla ng aking katinuan.
"Let's go?" He extended his hand to held out my hands but I just stood there unmoving and surprised.
Humalakhak siya at mas lalo pang lumawak ang ngiti. I bit my lip as my forehead creased at his reaction.
"I texted you earlier na susunduin kita ngayon. Uhm... bawi lang noong nakaraan nang hindi kita naihatid," aniya.
Oh... That's why he's here?
Mabilis kong kinapa ang cellphone sa bulsa at nakitang may isang unread message nga roon na galing sa kanya. Sa sobrang busy ko kanina ay hindi ko na iyon napaunlakan ng pansin.
Amusement is now etched on his dark good looking face. Halos hindi ko na mawari ang isasalita. Uh, what am I going to say now...
Tipid itong ngumuso bago marahang hinawakan ang aking palapulsuhan.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...