Chapter 19

222 6 0
                                    

Chapter 19
Suitor

Parang tambol na ang puso ko sa sinabi ni Al. Sobrang lakas na para bang nabibingi na ako. Halos mabulunan na rin ng sariling laway sa mga sinabi niya ngayon.

Gusto niya ako. Liligawan niya ako.

Paulit-ulit kong sinabi iyon sa isip ko. My heart thudded more. And then I slowly realized, we were of the same feelings too.

Dahil alam ko sa sarili kong unti-unti na rin akong may gusto sa kanya. Unti-unti nang sumisibol at nahuhulog ang nararamdaman kong ito para sa kanya.

I swallowed the bile in my throat.

"L-Ligawan mo a-ako?" I stuttered badly. I felt my whole face heated with my own question.

Halos masamid na ako ng sariling laway nang bahagya siyang tumango bago kinagat ang pang-ibabang labi.

"Gusto kitang ligawan, Rhianne. Liligawan kita," he answered softly. His adam's apple moved telling me that he swallowed hard.

I felt my cheeks blushed profusely. Mas lalong dumaloy ang matinding init sa aking pisngi.

My lips parted. Ngayon ay hindi ko na mawari at makapa ang mga salitang nais sabihin sa kanya. Kung tatango lang ba ako o direktang sasabihin na payag akong ligawan niya ako.

Ngunit nakakahiya kung ganoon. Nahihiya ako kung alin man doon ang pipiliin bilang tugon.

I remained silent but I know my tensed expression were palpable. I gulp violently as I bit my inner lip hard. Pakiramdam ko'y dudugo na yata ang loob ng labi ko sa diin ng pagkakakagat ko roon.

It was then followed by a few moments of silence. The awkward silence is killing us. Nanatiling marahan ang hawak niya sa aking baywang habang sinasabayan namin ang mabagal na ritmo ng sayaw. Mas lalo akong naghuramentado nang natantong ganito kami kalapit.

My heart thundered wildly when he stared at me intently with his pitch-dark eyes. Slowly, it became prudent when it began to drift on my lips. He swallowed hard. Dinig ko ang bawat bigat ng kanyang hininga habang tinititigan ako. I bit my lower lip and slightly ducked my head to the side.

Hindi ko alam kung nasa tamang huwisyo pa ba ang puso ko. Wala kasi itong tigil sa pagdadagundong dahilan kung bakit halos hindi ko na rin alam kung nasa tamang galaw pa ba ang mga paa ko sa gitna ng mabagal na sayaw.

Gusto rin kita, Al. I'm slowly falling for you...

Ngunit hindi ko iyon kayang sabihin sa kanya ngayon. Gusto ko muna alamin kung tatagos pa ba at kung hanggang kailan magdedeliryo itong nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong pansamantalang hayaan muna ang damdamin at ang mariing dinidikta ng puso. Siguro kapag handa na ako't tumitibok na talaga ito nang husto sa kanya ay tingin ko doon ko na lang sasabihin.

Nalingat na lang ako nang tumikhim siya.

"Let's go back, Rhianne," magaang sinabi niya bago kinagat ang ibabang labi. I felt his grip loosened a bit before he finally removed his warm hands on my waist.

My heart crunched as I gently nodded my head. I took a short breath silently. Hindi ko alam kung bakit tumawid ang kaunting lungkot sa puso ko nang kalasin niya ang pagkakahawak sa akin.

A small smile lingered on his lips as he waved a bit. Hinatid niya kasi ako sa table namin bago siya prenteng naupo sa tabi ni Marco sa kabilang table.

Nilingon niya ako isang saglit bago bumaling kay Marco na ngayon ay mukhang tinutukso na siya. Muling nagpatuloy ang inuman at usapan nila roon.

I inhaled sharply. Nang bumalik sa table namin ay alam ko na agad na uusisain na naman ako nina Meg. Ngunit nang nakaupo ay nasipat ko na si Meg na nakadukmo ang ulo sa table at sabog ang mahabang buhok.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon