Chapter 24
Rude"Baby... it's not our story to tell. Hayaan mo na sila kung pag-agawan man nila ang kapatid ko."
I grimaced. Paano niya nagagawang sabihin ito ngayon tungkol sa kapatid niya? Paano kung masaktan si Zamarah? Hahayaan na lang ba niyang mangyari iyon sa kapatid?
He's not even protective to his sister!
Akala ko ba noon ay pinoprotektahan at pinagbabawalan niya si Zamarah na magkaroon ng boyfriend na naging dahilan kung bakit naging patago ang relasyon noong dalawa. Nakilala niya lang ata ang kapatid ko noong inaaya niya akong lumabas no'n, e.
Paano kung totoo 'yong sinasabi ng half brother kong si Psalm? Kahit sinasaway naman ni Papa ay hindi pa rin ito nagpatinag at marami pa itong sinabi kanina na aagawin daw nito ulit si Zamarah sa kapatid ko. Ibig sabihin naging girlfriend na nito noon si Zamarah? At paano kung agawin nga nito si Zamarah at masaktan naman ang kapatid ko kalaunan?
I heard him gasped softly.
"You're paranoid..." marahang sinabi niya. "Kilala ko 'yon si Psalm. He's not serious about it, he's just playing with his words."
"Dalawa na pala ang Kuya ko, Ate!" si Jillian na ngayon ko lang din napansin sa gilid habang nagtatalo kami ni Al.
Hindi ko muna pinansin ang kapatid ko. I glared at my boyfriend. He stared at me lazily with his hardened expression. Umiling-iling siya at iminuwestra ang motor dito sa parking space area ng Rompeolas. Humalukipkip ako't napaismid na lang sa kawalan.
I sighed heavily.
Guwapo at mabait naman ang half brother kong si Psalm de Alba, iyon nga lang masyadong pilyo sa mga salita. Dahil sa sinabi ni Al, hindi ko na rin alam kung totoo at seryoso ba talaga 'yon sa mga sinabi o hindi. Masyado kasi nitong dinadaan sa banayad na ngisi pagkatapos bitawan ang mga sinabi.
Pero kahit kapatid ko pa siya sa ama ay hindi ko naman hahayaan na masaktan ang kapatid ko kung totoo man iyon. Either Zamarah or Julian should know about this. I would rather call Zamarah right now and immediately tell her about it!
I heaved a soft breath. Sandaling nawaksi iyon sa aking isipan at nanuot sa nangyari ngayong araw. I was very glad and too happy that I finally had my reconcilement with Papa. Natutuwa man, may kaunting bahid pa rin na nalulungkot dahil pakiramdam ko ay hindi pa handang patawarin nina Mama at Julian si Papa dahil sa nangyari sa aming pamilya.
Muli akong napabuntonghininga. I won't still lose hope no matter what. Naniniwala pa rin ako na magkakapatawaran din sila sa bandang huli. Hindi man ngayon pero nasisiguro kong maaring bukas o sa ibang araw. Alam kong hindi imposible ang mga bagay sa mundo. I know there are still a lot of deep holes needed to be fill to find the light, comfort, and every dimensions of tranquil in our lives.
Nagpalitan kami ni Papa ng numero. Kinuha rin ni Psalm ang number ko. Sinabi rin nito sa akin kanina na may kapatid din siyang babae at aniya'y magkasing-edad lang daw kami, medyo matanda lang sa akin ng ilang buwan.
My lips formed a grim line. The slight frown on my face wouldn't disappear.
"Bahala ka, Al! I will just call Julian and tell him about it." Tinalikuran ko siya palayo para umambang tawagan ang kapatid ko.
I heard him tsked. Nahabol niya agad ako at mabilis na inakbayan.
"Kapag sinabi mo 'yan sa kapatid mo, paniguradong magagalit 'yon sa atin," he told me, slightly pouting his thin lips.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumigil sa paglalakad. He's indeed right. Kapag sinabi ko nga ito kay Julian ay sigurado tatanungin niya ako kung paano ko nakilala si Psalm.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...