Chapter 28

165 5 0
                                    

Chapter 28
Bracelet

Parang buhawi na nanunuot sa utak ko ang mga sinabi ni Prof. Zyrelle sa mga araw na lumipas. I'm still in dazed for how many days now. Lutang ang isipan... ngunit laking pasasalamat ko na rin dahil iilang araw na wala sa condo si Al dahil may mga task daw na ginagawa sa headquarters.

Prof. Zyrelle Quarteros urged me to be fully cognizant. I get what she said. Hindi raw ako tanggap at ayaw sa akin ng Mom nila, ayon sa narinig niyang usapan.

Mas gusto raw ng Mom nila ang dating girlfriend ni Al. Gusto rin daw akong pahiyain kapag naimbitahan sa dinner sa kanilang bahay.

"Batas ang mga salita ni Mom sa bahay... Rhianne. Kapag sinabi niya, agarang susundin dapat. Kahit si Dad walang nagagawa sa mga kagustuhan ng sarili kong ina. At alam kong susuwayin siya ni Al sa kahit na anong paraan. After all these years, palaging sinusuway ng kapatid ko ang mga sinasabi ni Mommy dahil palagi na lang siyang kinokontrol. This is why he has been living independently for how many years... "

Iyon ang huling sinabi ni Prof. Zyrelle sa akin sa araw na iyon. Sinundo ako ni Al at hindi ko pinahalatang lutang ang isipan sa trabaho.

My mind was too preoccupied and I have been overthinking too much for days now.

Mabuti na lang dahil simula noong kinausap ako ni Prof. Zyrelle ay medyo naging busy na rin si Al sa trabaho. Sa bawat pagtulog ko sa gabi ay palagi akong ginagapangan ng tensyon tuwing iniisip ang mga posible at maaring mangyari. Sa bawat araw na lumipas, bawat segundo at anumang oras.

I always fed my mind with all negative thoughts and I feel like it's not healthy anymore. Marahil ay kailangan ko ng taong makakausap...

"You should always set yourself ready, besh. Tama rin siguro na sinabi iyon ni Prof. Zyrelle sa'yo para aware ka nga sa posibleng mangyari," si Meg, isang araw nang kinausap ko siya sa loob ng staff room tungkol doon.

"Kung ayaw ng Mommy ni Al sa'yo at balak ka noon pahiyain sa dinner, dapat ngayon pa lang, besh, ay handa ka na at alam mo na ang gagawin. Basta... don't let your emotions coursed and affect you. Don't think something stupid that might ruin your relationship with Al," pagpapaalala niya.

Huminga ako nang malalim at tumango-tango kay Meg. Niyakap naman niya ako nang matamlay at wala ako sa sariling umupo sa isang silya. Halos maluha ako nang binalingan ko siya.

Malungkot akong ngumiti. "Thank you, besh."

Ngumuso siya at malamya akong pinandilatan.

"Mahal na mahal ka ng boyfriend mo, besh. Alam kong hindi niya hahayaan na masaktan ka at nararamdaman ko ring ikaw ang ipagtatanggol niya laban sa Mommy niya. Marahil ay may punto nga ang mga sinabi ni Ma'am Zyrelle sa'yo. Trust your boyfriend, besh. Sasabunutan talaga kita kapag nagpa-apekto ka at nalaman kong hiniwalayan mo si Al!"

"It will never happen, besh. Tama ka at hindi dapat ako magpa-apekto roon. I'll fight for him. Hinding-hindi ko siya hihiwalayan kahit na anong mangyari..." umiling-iling ako at tipid na ngumiti.

"Ganyan ang gusto ko. That's the fighting spirit!"

I felt relieved talking to Meg that day. Kahit paano ay nawala ang kaunting nakadagan sa aking dibdib at nabawasan ang namumuong pangamba. Sa kahit anong paraan ay masasabi kong nakakatulong din hingin ang opinyon ng ibang tao.

I love PO1 Al so much.

We loved each other. Kahit anong sabihin nila at pahiyain man nila ako sa dinner na iyon ay hindi ko pa rin hahayaang matibag ang relasyon namin ni Al.

Sa bawat araw na lumipas ay unti-unti na ring nawawala ang pangamba ko. I didn't dwell much on it anymore because my mind would always get unhealthy and it's not freaking good—it really affects my inner peace.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon