Chapter 10

432 10 0
                                    

Chapter 10
Sweet

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak sa bisig ni Al. Umaahon ang hiya ko dahil muli na naman akong sumabog sa pag-iyak. Ilang beses ko na rin itong sinabi sa isipan na panatilihing maging kalmado at huwag magpapadala sa emosyon ngunit heto at umiiyak na naman ako.

It's one of the lessons I have learned right now. Emotion is very inevitable and you can't ever control it in every single situation. You just need to let them coursed all over your system. And what Al said earlier triggered my innermost feelings.

Gusto kong magkabalikan sina Mama at Papa. Gusto kong bumalik si Papa sa aming pamilya. Gusto kong muli kaming bumalik sa dati. Sa puntong ito ay inisip ko na mas mabuti sana kung hindi niya na dapat nakilala pa ang kanyang mga anak...

Ngunit hindi ko rin maikakailang isa lang kaming malaking pagkakamali. Na pamilya lamang kami sa labas. That we are proof of a family's mistake.

Now I have fully understand why my mother had been suffering a lot and I can't really imagine how she suffered from those.

Kumalma ako makalipas ang iilang sandali. Hawak ko pa rin ang helmet habang pinapanood si Al na ngayon ay may kausap sa kanyang cellphone. Batid kong si Ma'am Teresa ang kausap niya upang ipaalam na hindi muna ako makakapasok sa Sharis cafe dahil kasama niya ako at uh... nagdi-date daw kami.

"Yup... alright! I'm serious about it that's why." I heard him laughed a bit. Mabilis naman niyang binaba ang cellphone nang natapos ang tawag.

Tinago niya kanyang cellphone bago lumapit sa akin. He heaved a sigh.

"Are you now alright, Rhianne?" His deep mannish tone were laced with concern.

Maagap naman akong tumango't naiilang ngumiti. "I-I'm now okay," sagot ko.

Everything turns awkward. Lihim akong suminghap. Hindi ko magawang tumingin dahil naiilang pa rin ako. I feel embarrassed and I'm really ashamed of myself but I still want to thank him nonetheless for making me calm and tranquil.

I bowed a bit. "Uhm, t-thank you, Al..." I couldn't help but to stutter badly.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang kanyang ngiti at pagtango sa akin. "It's okay. Don't worry, Rhianne. I know everything's gonna be alright. Kung kailangan mo ng kausap, andito naman ako para makinig," he told me.

I bite the insides of my cheeks. Hindi ko alam pero agad akong napapakalma ng mga salita niya. His voice is very soothing. Nang sumabog ako sa pag-iyak kanina ay nakakulong lamang ako sa kanyang bisig at tanging boses niya lamang ang naririnig kong kumakalma sa akin.

"I-I think you should meet your half siblings... Athena and Psalm de Alba." I heard him sighed again. Nahalata ko ang pag-aalinlangan niya nang sabihin niya iyon.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Napalunok ako nang nagkatinginan naman agad kami. I saw how his adam's apple moved, telling me that he was also tense about something. I don't know... maybe he was tense and hesitant to say it to me.

Nahihinuha kong baka galit sa aming pamilya ang tunay na asawa at mga anak ni Papa. Simula bata pa kami ay naroon na siya na nag-aalaga at nag-aaruga sa aming magkakapatid. Madaming taon ang lumipas na wala siya sa puder ng kanyang totoong pamilya. At ngayong bumalik siya sa kanyang legal na pamilya upang punan ang kanyang malaking pagkukulang ay wala na siguro kaming karapatan magreklamo.

Oo. Sila ang totoong pamilya. Naiinis ako ngunit nangingibabaw din sa akin ang lungkot. Nagsisisi tuloy ako na nagalit ako kay Papa. Kailangan kong maintindihan dapat iyon at huwag masyadong pairalin ang galit at sarado na utak.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon