Chapter 3
Astonishment"Okay ka lang talaga, Ate? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalalang tanong pa ni Julian habang kausap ko siya sa phone matapos kong ikuwento sa kanya iyong nangyari noong lunes.
It's Wednesday and like what I have promised to my younger sister, uuwi ako ngayon sa bahay upang bisitahin siya. First week of school ngayong second sem pa lang naman kaya nag-absent ako.
I sighed heavily. "I am really fine. Basta 'yong sinabi ko sa'yo, ah. Ikaw na mamaya ang maghahatid kay Jillian."
"Oo na. Ako na nga!" untag niya, naiirita.
Huminga ako nang malalim nang natapos ang tawag. I was hurt actually. Bukod sa nangibabaw ang takot at nerbyos ko noon ay namula ang leeg ko dahil sa bahagyang pagkakasakal sa akin noong nagtangkang mangholdap.
Mabuti na lang at napawi naman agad ang pamumula at nagpapasalamat akong hindi ito namaga.
However, after that incident, I got traumatized that's why I had decided to stay in my apartment instead. Nanatili na lang ako roon at napasyahang huwag na munang pumasok sa Sharis cafe kahit iyon pa naman ang unang araw ko bilang part time. Ang sabi naman ni Meg kahapon ay sobrang nagalit daw si Ma'am Teresa sa kauna-unahang absent ko.
Muli akong humugot ng hininga at tumingin na lamang sa labas.
The palm trees were dancing in a rhythm as the wind blows. Some plants and flowers are moving in silence. Sinikop ko ang aking buhok sa marahang pag-alpas nito dahil sa hanging umihip. Ayon sa weather forecast kagabi ay mananatiling mahangin at maulan sa buong bicol ngayong Nobyembre lalo na rito sa Sorsogon City.
Habang nasa biyahe ako ay nakini-kinita ko na ang mga pamilyar na lugar kung saan ako masyadong naglalaro noon. I can see the panoramic view of the sea with its breathtaking sea wall.
I bit my lip because of anticipation. Who wouldn't miss Bacon District, right?
"Manong, para na po!" sabi ko sa driver nang nakitang medyo malapit na ito sa bahay namin.
The jeepney halted exactly in front of our house. Pagbaba ko sa jeep ay tumambad agad sa paningin ko ang mga namumulaklak na rosas sa tapat ng aming bahay. Napangiti ako habang hinahagod ito ng tingin. Within almost three weeks that I wasn't here, I couldn't believe the roses had been blooming a lot. Panigurado naman akong palagi itong dinidiligan ng kapatid ko.
"Ate, andyan ka na pala!" maligayang bungad ni Jillian nang nakita akong pumasok sa bahay.
Matamis akong ngumiti sabay lahad ng aking mga braso sa harap niya. She hurriedly went to where I stand so I had to squat and crouch a bit to give her a tight hug. I really miss her!
"Uh, ate... hindi na po ako makahinga," ungot ni Jillian sa higpit ng yakap ko sa kanya.
Tumawa ako't ngumiti. "S'yempre, sobrang na-miss ka ni ate, eh!"
She smiled sweetly before I suppled a soft kiss on her right cheek.
"Kumusta ka na? Nag-aaral ka bang mabuti?" marahan kong tanong habang niyayakap siya.
"Siyempre naman, ate! Matataas naman po ang nakukuha kong grades!"
Napangiti ako sa agarang sagot niya. Makita lang na maayos ang kalagayan niya ngayon ay masaya na ako. Sobrang naging bigat kasi ng pakiramdam ko mula noong tumawag siya sa akin. I couldn't sleep every night thinking of her. So, upon seeing her happiness right now, I have decided I will just often visit here during weekends.
"Ate, bakit hindi mo kasama si Kuya Julian?" tanong niya nang kumalas ako sa yakap.
Tipid akong ngumuso dahil sa kanyang cute at nanliliit na boses nang itanong niya iyon.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...