Chapter 30

166 6 0
                                    

Chapter 30
Pain

Her name kept on echoing and ringing inside my head like a broken disc. It took me few seconds to process it all.

This beautiful stunning lady in front of me is possibly none other than my boyfriend's ex-girlfriend!

Masyado na akong nagulat sa sinabi ni Papa.

Step daughter? Step daughter niya si Shana na ex ni Al?

Ibig sabihin ba nito ay si Shana ang anak na tinutukoy niyang inilihim sa kanya ng kanyang tunay na asawa noon at naging ugat ng pag-aaway nila? At naging dahilan kung bakit lumayo siya at nakilala niya si Mama.

My mouth formed a small gap. Hindi ako makapaniwalang ang ex ni Al ay step daughter ni Papa!

Alam ba 'to ni Al? Matagal na ba niyang alam na step father ng ex niya si Papa?

Marahil ay hindi. Simula bata pa kami ay nasa piling na namin si Papa. Dalawang taon ang nakalipas noong naging girlfriend pa ni Al si Shana at malamang dahil wala pa sa puder nila noon si Papa.

Ngunit natitiyak kong alam na siguro ito ni Al. Family friend at kasosyo nila sa negosyo sina Papa. At malamang ay dahil kilala rin ni Al ang asawa ni Papa, which is, ang Mom ng ex niya.

I gulped hard. Kahit ganoon ay madami pa ring katanungan ang sumisirkula sa aking isipan ngayon.

Unti-unti na ring nagsimula ang matinding giyera na kanina pa namumuo sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y magigiba at luluwa na ang puso ko sa sobrang pagkalampag nito.

Nagkamayan kami ni Shana.

"Nice to meet you, Rhianne..." She flashed a genuine smile with her perfect teeth showing up.

Mariin ulit akong lumunok sa sobrang lambot ng kamay niya. Para talaga siyang kumikinang na porselana at pakiramdam ko'y mamumula ang kanyang balat kung kukurutin.

Marahan akong tumango at tensyunadong ngumiti.

"Nice to meet you, S-Shana."

I'm literally out of words. She looks very splendid with her bedazzling features. Lahat ng mga tao kanina ay halos nakatuon ang tingin sa kanya no'ng naglalakad siya.

My mind was too busy and occupied with her perfect attributes.

My heart wrenched at some point. Unti-unti kong napagtanto... at hindi na rin iyon nakapagtataka pa.

Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan at naging girlfriend siya ni Al. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit gustong-gusto siya ng Mommy nito.

"Lumaki sa pilipinas si Shana, anak, kaya magaling pa rin siyang magsalita ng tagalog. Pumunta siyang Japan para magtapos ng kolehiyo at sumama sa kanyang biological father na Japanese sa kabila ng buwang paghahanap," si Papa na sumulyap sa nakangiting si Shana bago muling binalik ang tingin sa akin. "Kahapon lang siya dumating dito. Namatay kasi ang Otousan niya dahil sa lung cancer no'ng nakaraang buwan. She's staying here for good."

I already knew it!

Nanuyo na ang lalamunan ko. I don't know what to say.

I was just really mesmerized by her ravishing beauty plus to add the fact that... I'm literally in front of my boyfriend's ex!

Naalala ko 'yong kinuwento ni Al sa akin noon sa may lighthouse. Two years ago, noong iwan siya ni Shana. Tanda kong hindi niya pa nabanggit sa akin noon ang pangalan ng ex niya. Hindi ko na rin tinanong pa sa kanya kung ilang taon o buwan naging sila ni Shana. Aniya'y marami silang patay na alaala roon sa Rompeolas. Nasabi rin niyang hiniwalayan siya ng ex niya doon mismo sa lugar na iyon dahil gustong sumama sa Hapon na ama at para mag-aral sa Japan.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon