Chapter 38

243 10 2
                                    

Chapter 38
Call

Ilang araw akong hindi pumasok sa OJT kaya labis ang pag-aalala ng mga kaibigan ko. Tinawagan ako ni Meg kinabukasan pero sinabi ko na lang na nilalagnat ako dahil sa sakit ng ulo.

"Bakit ganyan ka, Al? B-Bakit mo ako sinasaktan..." hikbi ko habang nakatitig sa bracelet na binigay niya sa akin noon.

"'Di ba nangako ka noon, h-hindi mo ako sasaktan... bakit ganito..."

Wala akong ginawa kung 'di umiyak nang umiyak.

I cried so hard that night in my boarding house. The next few nights were sleepless and that I was overly fatigue. Too much pain always attacked my chest every evening. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Hindi ko na lubusang masukat itong sakit na nararamdaman.

Sa sumunod na araw ay umuwi agad ako sa bahay, sa Bacon District, nang hindi ko na nakayanan. Isa na rin siguro sa rason bakit umuwi ako ay dahil baka biglang bumisita sina Meg at malaman pa nila ang totoong dahilan. Buong araw akong nagkulong sa kuwarto at umiyak. I cried all the massive ached of my heart and it will always get worse everytime.

Pakiramdam ko'y hindi na yata mauubos ang traydor kong mga luha. Pakiramdam ko'y puro na lang yata sakit at paghihirap ang mararamdaman ko bawat araw.

I told them about what happened. Nagpatuloy ako sa tahimik na paghikbi. Nagpupuyos sa galit ang kapatid ko. He rambled back and forth while he clenched his fist intensely. Napaigtad kami pareho ni Mama nang biglang suntukin ni Julian ang dingding.

"Julian!" si Mama. "Hindi pa naman natin alam... ang totoong nangyari. Hindi pa tayo nakakasiguro kung talagang bumalik na nga ba ang mga alaala ni Al o baka hindi pa."

"Ano!? Ma..." baling ni Julian habang hinihilamos ang palad. His expression tightened as he pointed his fingers at me harshly. "Hindi mo na ba nakikita, Ma? Nagpapakasaya sila samantalang ang kapatid ko, heto nasasaktan! Mga tang ina nila!"

Natahimik si Mama at yumuko. My lips quivered while I tried to filter everything. Wala na akong ibang nararamdaman kung 'di puro sakit at mariing paninikip ng dibdib.

"Napakalaking gago ng putang inang 'yon! Eh kung hindi pa bumabalik ang mga alaala no'n, bakit siya nag-propose at nakibalikan sa ex niya? Hindi niya alam ang ginagawa? Hindi ba niya alam na may naiwan siyang girlfriend at sinasaktan niya ngayon!? Fuck them! Pare-pareho sila!"

I let out a long massive breath as I was too preoccupied of the thoughts. Kung hindi pa bumabalik sa normal ang mga alaala ni Al, bakit ganoon na lamang siya kasaya? At bakit siya nag-propose sa ex niya? Bakit niya ito ginagawa sa akin? Was he unaware what he's doing? Was he unaware that he's proposing to his ex on his birthday? At sana ganoon na lang nga iyon... na wala siyang alam sa kanyang ginagawa.

But... why does he seemed so very genuinely happy on his proposal? Kinalimutan niya na ba talaga ako? Bumalik na ba talaga ang mga alaala niya at baka ako na lang ang hindi niya maalala?

At alam ba niyang may girlfriend siya? Did Tito William and Zamarah mention me to him that he has a girlfriend and I am his current girlfriend? Ngunit bakit ang saya nila noong araw na iyon lalo na noong nag-propose si Al kay Shana?

Or... maybe... was he ruled or probably pressured by his mother to get engage with his ex? O baka... sang-ayon talaga sila roon dahil gusto nilang maghiganti sa akin sa nangyaring aksidente kay Al?

I gasped out deeply. Ang daming bagay na gumugulo sa isip ko. And I couldn't help but overthink that maybe I really deserve it. I really deserve this massive pain.

Madami pang katanungan ang bumagabag sa akin sa iilang sandali. Hindi ko alam kung ano ang totoo o kung anu-ano na lang ang mga bagay na papaniwalaan ko. Hindi ko na alam. I'm starting to get confuse about everything. I then thought Tito William and Zamarah.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon