Chapter 11
GoodnightSilence took over. Hindi ako makatingin kay Trevor habang naglalakad kami ngayon sa hallway ng school. Kasama na namin si Meg at aniya'y natagalan daw siya dahil nag-over time na naman 'yong medyo matandang professor na kinaiinisan niya sa klase.
Wala pa ring umiimik sa aming apat kaya't mariin na lang akong napapalunok tuwing may nakakasalubong at nakatuon ang tingin sa dala ko ngayong rosas at medyo malaking chocolate na bigay ni Trevor. Gusto ko sana itong itago sa loob ng bag ko ngunit nahihiya ako sa kanya.
Nang nakalabas sa gate ay nahagip ko ng tingin ang iilang nanonood sa amin. I heaved a breath. At this moment, I know they will probably conclude. Iisipin naman nilang nililigawan ako ni Trevor.
"Wala pang tricycle na nakapila," sabi ni Meg nang tumigil kami sa tapat ng gate ng school.
Tumango ako't naghintay kami ng ilang minuto. Tuwing dismissal sa hapon ay madami nang nakaabang at nakapila rito na mga tricycle ngunit sa hapong ito ay wala kahit isa kaya nasisiguro kong punuan na naman.
Nalingat ako nang tumikhim si Trevor at bumaling sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Rhianne, I'll go ahead," aniya, iminumuwestra ang daan sa kanyang likuran.
I awkwardly smiled and nodded at him. "Uh, ingat ka." I couldn't look straight on his eyes.
Bumagsak ang tingin ko sa pagka-ilang. Muli siyang tumikhim bago binaling naman ang tingin kila Meg at Eliana sa gilid ko.
"Meg, Eliana... alis na ako," paalam niya.
"Sige. Ingat ka, Trevor. See you sa birthday mo!" sabay kaway ni Meg.
He smiled and nodded. Muli siyang nagpaalam sa akin kaya bahagya akong tumango. Pumihit siya at kumaway habang umaalis.
Nasa siyudad lang naman ang bahay ni Trevor malapit sa school kaya minsan sinasabayan niya ako tuwing umuuwi sa apartment.
Nagpakawala ako ng hininga. Naalala ko noong nag-confess siya sa akin tungkol sa nararamdaman niya. He really wants to court me but I refused. Medyo napaluha siya no'n nang sabihin kong pagkakaibigan lang muna ang kaya kong ibigay. Na pag-aaral muna ang pagtutuonan ko.
I remembered when he told me, he will never stop and he'll wait for me until when I'm ready. At hanggang ngayon, ganoon nga ang ginagawa niya. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit medyo naiilang pa rin ako sa kanya. Kahit sa simpleng ngiti ay halos na-i-intimidate ako.
Sa likuran ako ng driver umupo nang sumakay kami ng tricycle papuntang Sharis cafe. May katabi akong babae sa parehong school samantalang magkatabi naman sa loob sina Meg at Eliana.
Tulala ako sa biyahe. Pinilig ko na lang ang ulo at mabilis na sinipat ang bag para ilagay sa loob ang binigay ni Trevor nang biglang hablutin ni Meg ang chocolate.
"Akin na nga lang ito, besh! Hindi ka naman mahilig sa chocolates, e. Gutom na ako at kakainin na lang namin ito ni Eliana," untag niya. Nakita kong hinati niya iyon at kalaunan ay binigay naman ang kalahating parte kay Eliana.
Ngumiwi ako. Ano pa bang magagawa ko e hinablot niya na ito at nilantakan agad?
I let out a short breath. Itinago ko na lang sa loob ng bag ang tatlong rosas na nakabalot sa isang transparent na plastic bago sinikop ang buhok at inabala ang sarili sa pagmasid sa mga maliit na convenience stores na nadadaanan.
Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang police station malapit sa school namin nang nilagpasan ito.
"Alam mo, besh, hindi ko talaga makuha ang logic ni Trevor," panimula ni Meg. "Minsan sinusundo o hinahatid ka niya sa uwian tapos ngayon may pa-flowers at chocolates din tulad noon. Hindi ka na lang dinidiretso agad, e?" ngumunguya niyang saad. Sumulyap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomantizmRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...