Chapter 9
FamilyI couldn't help but to let go the traitor tears I have been holding for few minutes. Kumalma ako ilang sandali ngunit heto na naman at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha. Hindi ko na napigilan ang paghikbi sa tindi ng sakit na naramdaman.
My heart hurts so much. Sobrang sakit pala. Buong akala ko ay magiging masaya na ako ngayon no'ng makita si Papa ngunit nang nahalata ko ang bahagyang pag-iling at takot sa kanyang mukha sa pangambang magsalita ako ng kung ano ay siyang dumurog sa aking puso.
Parang pinipiga ang puso ko sa umuusbong sakit.
Pakiramdam ko'y itatanggi niya ako bilang anak kung sakaling tawagin ko siyang 'Papa' o magsalita ako ng kahit na ano. This agonizing pain is extremely killing me. Halos hindi ko na makilala ang amang nagpalaki at nag-aruga sa akin. Halos hindi ko na siya maramdaman bilang ama. Parang ibang-iba na siya ngayon...
My mind were filled with so much confusion. Sino 'yong mga kasama niya? Who are they? Mga anak niya ba sila? Paano nangyari 'yon?
At bakit tinawag ni Al na 'tito' si Papa? Are they related to each other? This is really confusing me!
Unti-unting dumaloy ang maiinit na luha sa aking pisngi kaya agad ko naman itong pinalis at mariing pinigilan ang sarili.
I stared at myself in front of the mirror. Mabuti na lang at walang tao ngayon dito sa washroom at walang makakakita na sabog ako dahil sa pag-iyak.
I should compose and fix myself properly. Hindi dapat mahalata ni Al o kahit sino man na umiyak ako. Nag-ayos ako at naglagay ng kaunting powder sa mukha. I patiently calm myself after a while. Nang masiguro kong maayos at kalmado na talaga ako ay lumabas na agad ako ng washroom.
Pagkalabas ko ay bumungad agad si Papa na mukhang nag-aantay sa akin! Nalukot ang puso ko nang makita siya ngayon sa harap. Madami akong gustong sabihin at itanong sa kanya ngunit napawi lahat nang iyon nang agad siyang lumapit kaya hindi na ako nag-atubiling yakapin siya nang mahigpit.
"Papa, sobrang na-miss kita..." I murmured as I hugged him tight like I don't want to lose him again. Hindi ko na napigilan ang marahang pagluha.
Ngunit naramdaman ko ang panlalamig ng yakap niya sa akin. Para bang natatakot siya sa oras na may makakita sa amin na magkayakap.
"Rhianne." Marahan niya akong hinawakan sa magkabilang siko upang iharap ako sa kanya.
"Makinig kang mabuti. Hindi ako puwedeng magta–"
"Bakit antagal mo pong hindi nagpakita sa amin, Papa? Ba't hindi na po kayo umuuwi sa bahay?" pigil kong mga tanong sa kanya. "Totoo po ba ang lahat ng paratang sa'yo ni Mama na nambabae ka kaya kayo naghiwalay?" halos hindi na ako makahinga sa sunod-sunod kong tanong na iyon.
I almost prayed, nagbakasakaling hindi totoo ang paratang na 'yon.
"Rhianne, hindi ako nambabae..." panimula niya.
Unti-unting humarang ang mainit na likido sa aking mga mata ngunit pinilit kong maging kalmado habang naghihintay sa kanyang mga sasabihin.
"Mahal ko ang Mama mo. Mahal ko ka–"
"Kung mahal mo kami... bakit mo kami iniwan?" sambit ko kasabay ang tuluyang pagkabasag ng aking boses.
Marahang pumatak ang mainit at nagbabadyang luha sa aking pisngi na kanina ko pa pinipigilan. Kalmado na ako kanina ngunit hindi ko talaga naiwasang lumuha.
"Mahal ko kayo, Rhianne... pero sila kasi ang totoo at legal kong pamilya. Mahal na mahal ko kayo pero kailangan nila ako ngayon. Matagal silang nangulila sa akin at matagal na nilang hinahanap ang kalinga ng isang ama," aniya at bahagyang yumuko.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...