Chapter 32
StrongIsinapuso ko ang mga sinabi ni Meg sa akin noon.
Kinagat ko ang labi ko. Huminga nang malalim bago muling nagpatuloy sa ginagawa.
Sa ilang araw na lumipas ay tumatak at hindi nabura sa isip ko ang mga inusal ni Shana. Hindi na dapat ako nagulat dahil matagal ko na ngang nalaman na ayaw sa akin ng Mommy ni Al ngunit ang marinig iyon sa kanya ay mas lalong nagpa-igting ng tensyon sa akin.
Gusto talaga siya ng Mommy ni Al at siguro isa na rin iyon sa rason kung bakit desperada siyang makibalikan. I am absolutely certain Al's mom will never like me at all. Gustong-gusto talaga nito si Shana para kay Al.
Muli kong naalala ang pagmamaka-awa ni Shana noong araw na iyon. She was extremely hurt and broken. Basang-basa ang kanyang pisngi dahil sa pagluha.
Naawa ako nang pinaalis ko siya sa condo dahil sa sobrang inis ko ngunit mainam na rin siguro iyon. Tumawag din si Psalm kinabukasan at sinabing umalis na raw si Shana papuntang Japan at hindi raw niya alam kung kailan ito babalik.
I bet, she's staying here for good?
And maybe... she talked to me that day because it would probably her last resort to really convince me to break up with Al. Para 'pag nag-break kami ay magbabalikan sila. Naisip ko rin na kapag alam niyang buo ang desisyon ko na hindi ko kailanman gagawin ang gusto niyang mangyari ay aalis na lang siya rito sa pilipinas.
Should I feel guilty? Mahal na mahal ko si Al at kahit anong mangyari ay hindi ko talaga gagawin ang gusto niya.
I know she didn't love him enough. If she truly loved Al, hindi niya ito sasaktan at iiwanan noon. Tapos ngayon ay babalik siya at mag-a-alburoto na makibalikan?
Bahagya akong umiling at nagkibit ng balikat. Ganoon na lang siguro ang iisipin ko. Hindi ko na rin siniwalat pa kay Al ang tungkol sa mga nangyari.
I pressed my lips together after applying a lip tint. My straight long hair were fixed in a ponytail. I just wore a semi-formal white floral dress for this dinner.
Hindi na rin ako naglagay ng kung anong kolorete pa sa mukha. Sanay na kasi ako sa kung anong itsura ko. Kung nandito si Meg, malamang uubusin no'n ang oras sa pag-me-make over.
My breathing hitched as I stared myself at the mirror. I inhaled and exhaled calmly. I convinced myself countless times.
Whatever happens... don't let any negative things feed your inner soul.
Tumitig pa ako sa salamin nang ilang segundo bago lihim na nagpakawala ng isang malalim na hininga. I felt my heart jumping in too much tense. Parang dagundong ng tren ang namamayagpag sa loob ng dibdib ko dahil sa pagiging kabado.
"Hmm, baby..."
Halos napalundag ako nang humawak si Al sa aking baywang at niyakap ako mula sa likuran.
Kanina pa siyang tapos magbihis at inaantay na lamang ako. Tumawag kasi 'yong Daddy niya at lumabas muna siya saglit para kausapin.
He's wearing a black tight jeans as usual, checkered longsleeve polo shirt folded on his elbow and white shoes. Mapormang-maporma si PO1 at palaging fitted ang suot dahilan kung bakit halos parang pumuputok na ang biceps niya sa kanyang braso.
Sa sobrang kabado ay natutulala na lang ako kaya hindi ko na rin tuloy napansin ang pagdating niya.
"You're turning twenty-two the next day," nangingiting sambit niya. "Hmm... ano nga ang gustong regalo ng baby ko?"
His chin was gently rested on my shoulders as he's showering little kisses onto it up to the pulse of my neck.
"Ako ba ang gusto mong regalo, hmm?" he asked playfully.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...