Chapter 14
GirlfriendHis genuine smile were drawn to me. Kaya halos nanunuyo na ang lalamunan ko. Sinubukan ko namang lumunok ng laway ngunit tila may parang bumabara.
"Gusto ko maayos ang suot ko 'pag nagdate tayo. When we go out last time, I wore my police casual suit." His lips twisted a bit. Pagkatapos bahagya siyang ngumuso bago tumitig sa kawalan.
My face heated. Lalo na nang hindi ko naatim 'yong sinabi niyang 'pag nag-date kami. I breathed heavily in a silent manner.
Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong bumubuga ng hininga. Hindi ko na rin napigilan ang pangangatog ng mga kamay habang hawak ang paper bag.
I have never dated anyone in my entire life. Siya lang ang pinaka-unang lalaki na nakasama kong lumabas. I have to go out with him because I consider it as a consequence at work. Nakakahiya kasi kung sa kabila ng kalampahang nagawa ko ay hindi ko papaunlakan ang hinihinging pabor ni Al.
But the moment he asked me to go out or date him for the second time, I'd like to think that it's still part of my consequence. Siguro, iisipin ko na lang na sinira ko 'yong araw na lumabas kami no'n dahil nakita ko si Papa. Marahil ay gusto niya lang na ulitin nang maayos at walang hadlang. Ganoon na lang siguro ang iisipin ko.
"But are you okay with it? Kasi kung ayaw mo at busy ka naman, puwede ka namang tumanggi," simpleng tugon niya.
Kahit medyo kabado at naiilang ay tumango na lang ako. "I-I'm okay with it," I answered.
His dark looking expressive eyes turned a little bit deep and amused. I swallowed hard upon noticing his expression. Kinalas niya ang brasong nakasalikop at dahan-dahang ngumiti.
I bit my inner lip. Ang umukit na ngiti sa kanyang labi ay mas lalong nagpahabag sa aking sistema. Lalo na kapag nagiging manipis at hugis-puso ang itaas na bahagi nito tuwing ngumingiti siya.
His smile were naturally genuine and prudent.
Natigil ako sa pagdedetalye ng kanyang ngiti. Hinila ko na lang ang ilang hibla ng katinuan para magpaalam at makaalis na.
"Okay, then. I will plan that out and think about the place. See you..." A natural yet gentle smile lit up his face.
I awkwardly nodded. Tipid na ngiti ang isinukli ko at pumihit na para makaalis. Pagkasarado ko ng pinto ay halos nagpakawala ako ng isang malalim na pagbuga ng hininga.
My trembling hands immediately flew to my chest. Why is this? I couldn't understand why my heart is hammering this bad!
I gulp as I inhaled deeply again. Para bang nakatakas ako sa pagkakakulong sa kanyang ngiti.
Pinilig ko ang ulo ko. Winaksi ko 'yon lahat sa aking isipan at pumanhik na para magpatuloy sa trabaho. Kakaunti lamang ang customer sa gabing ito at halos wala pang ginagawa ang iba kong workmates. Pumasok muna ako sa loob ng staff room para mag-ayos. I need to maintain my composure.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto. Pumasok sina Meg at Eliana at mabilis nila akong inusisa. Umismid ako sa makahulugan nilang tingin.
Naespatan ni Meg ang hawak ko kaya mabilis niya itong hinablot mula sa akin.
"Omg! Ano 'to?" she beamed.
Mabilis niyang hinalungkat ang laman ng paper bag. Eliana craned her neck to see what's inside of it, too.
Nilabas ni Meg ang isang medyo maliit na nakabalot sa plastic at nang natantong 'yon ang set na lipstick na pinabili niya kay Zamarah ay agad siyang bumulalas.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...