Chapter 2

873 21 10
                                    

Chapter 2
Badge

Nilibot ko ang tingin sa paligid habang nakikihalo ako sa mga taong nakapila sa canteen. Mas lalo talagang dumami ang mga estudyante ngayon sa sobrang haba ng pila. Sigurado akong ang iba ay mapipilitan na lang na kumain at mag-snack sa labas.

Pagkakuha ko ng order ay bumalik na ako sa table namin ni Meg.

"Oh, ano na? Ano na 'yong ichi-chika mo?"

Hindi ko pa nga nailalapag 'yong order namin ay ito agad ang tanong niya. Umupo ako't ngumuso sa kawalan. I can't blame her though because this is entirely my fault. Probably, I got carried away about what happened awhile ago. Dahil sa katarantahan, t-in-ext ko agad si Meg na may sasabihin ako sa kanya sa canteen.

Nag-angat ako ng tingin sa nakataas-kilay na si Meg.

"Oh, ano na? Ano na nga 'yong sasabihin mo?" atat niyang sinabi sabay nilantakan 'yong spaghetti.

Napangiwi ako. Kapag tsismis talaga ang pinag-uusapan ay nagwawala agad ang mga blood cells niya. Uminom ako ng tubig bago ko ikinuwento sa kanya ang nangyari ngunit hindi ko sinabi ritong nakita ko kanina si Trevor kaya ako nakapagtago sa C.R.

"Omygosh! Guwapo? Malaki ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko at tinikom agad ang bibig niya. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid na natigilan at ngayon ay nakatingin na sa gawi namin.

Humagikhik si Meg. Napaismid na lang ako bago inalis ang kamay kong nakatutop sa kanyang bibig. Maling-mali talaga ang naisip kong sabihin sa kanya ang nangyari. To think that my best friend is very garrulous! Now, I'm blaming myself for that.

"Sorry naman, besh! Hindi ko lang talaga mapigilan. Kahit ikaw! Kung ako ang nagkuwento sa'yo ay malamang gano'n din ang reaksyon mo," utas niya at nilantakan naman 'yong pansit. "Bakit doon ka pa nag-CR sa likod ng Educ? Puwede namang sa building natin 'di ba?" Kumunot ang kanyang noo habang ngumunguya.

Kinagat ko ang labi ko. Mauubos na ang pagkain niya samantalang ang akin ay nangangalahati pa lang. Uminom ako ng tubig at inubos na lang ang pagkain ko.

"Ihing-ihi na kasi ako that time," I lied. "And it's more embarrassing if I will let myself pee in my pant," dinagdag ko.

Wala akong nagawa kung 'di tumunganga sa inuupuan. I can't fathom the idea that my actions are too absurd. Hinambalos ko na nga ng bag 'yong pulis ay pinaghinalaan ko pa ito nang masama. You made another ridiculous action, Rhianne. I'm so damn!

"Pero, besh, jumbo hotdog ba tala–"

"Shhh! That's just disgusting, Meg!" saway ko at narinig ko ang kanyang marahang halakhak.

Hindi ko na matandaan ang itsura ng pulis na 'yon dahil sa kahihiyan. But I'm quite sure, he's only around middle twenties, I guess?

"Look what we have here girls..." Nag-angat ako ng tingin sa kay Reina na ngayon ay nasa harap ng table namin.

Pareho kaming nagulat ni Meg sa biglaang pag-arangkada niya.

Nakasalikop ang kanyang braso sa harap ng dibdib at nakataas-kilay na nakatingin sa amin. Sa likuran niya ay naaninag ko ang kanyang dalawang kaibigan. Probably, her back up friends.

"Are you blind, Reina? Hindi ba't dalawang magandang dilag ang nakikita mo. At ano'ng tawag sa inyong dumating? Mga etsoserang froglets na parang mga kabute?" Humagalpak sa tawa si Meg.

"Tigil-tigilan mo akong OA ka huh!" Pinigilan noong dalawa si Reina nang duruin nito si Meg. Kinabahan na ako nang napansing pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Aba't–" Tumayo agad ako at mabilis kong inawat ang best friend ko.

"Besh, tama na. Ayaw ko ng gulo," untag ko sabay marahang haplos sa likod niya.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon