Chapter 26
EternallyThere's still no proper classes yet when the school started. Sa miyerkules at huwebes na rin ang midterm exam namin ngayong second sem. Sa halos dalawang araw na vacant ay hindi ako tinantanan nila Meg at Eliana kaya wala na rin akong nagawa kung 'di magkuwento tungkol sa relasyon namin ni Al.
Halos manisay at sabunutan din ako ni Meg nang i-anunsyo ko sa kanila na sa condo unit ako ni Al kasalukuyang nakatira.
"OMG... besh! Nagli-live in na kayo!?" singhal ni Meg sa akin.
My eyes widened at that. Mariin ko siyang pinandilatan at pasimpleng sinaway na tumahimik. My glowered eyes even intensified when she laughed teasingly. Nasa canteen kami ngayon kaya imposibleng walang mga matang nakatuon sa amin dahil sa ginawa niyang pag-singhal.
She just frowned and shrugged her shoulders a bit. Humagikhik lang si Eliana sa tabi ko.
"Well, you can't blame me, besh," umiiling na aniya. Pinaikot-ikot niya sa tinidor ang pansit bago 'yon nilantakan. "Ginulat mo na nga kami na boyfriend mo si PO1 Al tapos ngayon nag-li-live in na ka-"
"Meg... hindi kami nag-li-live-in," agap ko sa mariin at mahinang boses.
Her eyes welled sharply. Mabilis niyang nilunok ang nginunguyang pagkain.
"Eh, anong tawag mo do'n, live out?Boyfriend mo siya at nakatira kayo sa iisang condo kaya ibig sabihin no'n live in kayong dalawa."
Sumimsim siya sa basong tubig bago inubos ang natitirang pansit sa plato. I narrowed my eyes at her. Hindi naman kami live in ni Al dahil simula no'ng tumira ako sa condo ay hindi naman iyon natutulog doon.
"I agree. Live in na kayo, Rhianne," tumatangong pagsang-ayon naman ni Eliana.
I frowned a bit. She giggled at that after minutes. Saglit namang nangunot ang noo ko. Tila ba may naiisip siya kaya natitiyak kong nababahiran na ng dumi ang kung ano mang nanunuot sa isip niya ngayon.
"Ang yummy pa naman ni Sir Al." Hagikhik ni Eliana. "Ano, Rhianne? May nangyari na ba?"
Dumagundong ang dibdib ko't namilog na ang mga mata. "Eliana, wala pang nangyayari sa amin ni Al," untag ko.
My cheeks turned bright red. Hinalikan niya ako ng maraming beses... Oo. Matagal, malalim at nakakalasing. Gusto ko sanang i-dugtong para matigil na sila ngunit nilalamon ako ng hiya.
Tumikhim si Meg. "Wala pa." She nodded her head several times and smirked, emphasizing my statement.
Hilaw silang naghagikhikan ni Eliana kaya mas lalo lang akong napangiwi sa aking inuupuan.
"Sa camp natutulog si Al. Binibisita niya lang ako sa condo at hindi siya natutulog doon," dinagdag ko, nakangiwi pa rin.
"Pero besh, nahalikan ka na ni Al? Huwag mong sasabihing hindi ka pa niya nahahalikan! And I'm pretty sure it's your first kiss! Omg... how was it, besh?" ani Meg. Her eyes twinkled and glistened in excitement.
Nakaka-adik at nakakalasing. I want to say it but... it will get me more embarrass! Lalo na't ngayon ay agad silang nagco-conclude dahil sa pagtira ko sa condo unit ng boyfriend ko.
"Uhm... yes. Al is my first kiss. He's very a sweet boyfriend, Meg."
At masyado pang clingy. I want to add it but I will just keep it to myself.
Halos gumulong na si Meg sa sinabi ko. She cackled teasingly so I quickly covered her mouth. Hindi talaga siya nahihiya kahit pagtinginan man kami ng maraming tao.
Kinulit pa nila ako nang kinulit pero kahit anong pilit nila ay hindi ako nagpatinag. Sa akin lang dapat 'yon. Sarili ko lang dapat mismo ang nakaka-alam ng ganoong klaseng bagay at hindi na maaring i-detalye pa sa iba.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...