Chapter 12

356 9 0
                                    

Chapter 12
Second date

Nagpakawala ako ng mahabang hininga habang iniisip ang sinabi ni Julian. Kausap ko siya ngayon sa cellphone at sinabi ko rito ang mga nalaman ko tungkol kay Papa no'ng nagkita kami noong Sabado.

Imbes na ako dapat ang magalit sa kanya dahil nilihim niya ito sa akin ay siya pa itong napasinghal at mukhang naiinis na.

I sighed. "Kailan mo pa nga ito nalaman?" I asked under my breath.

My breathing almost hitched. Naghintay ako sa kanyang sagot dahil saglit siyang natahimik sa kabilang linya.

Dinig ko ang malalim na pagbuga niya ng hangin sa linya. "Bago pa sila maghiwalay," he answered plainly. "Siya mismo ang nagsabi sa akin."

Bumagsak ang balikat ko. Just great! Nalaman niya na pala ang lahat noong bago pa lang maghiwalay sina Mama at Papa at hindi man lang niya sinabi agad sa akin!

At kung hindi ko pa malalaman kay Papa no'ng Sabado ay patuloy pa rin niya itong ililihim kung sakali?

I bit my lip hard. Saglit akong natahimik. Lihim akong suminghal nang walang naisip na salita. Hindi ko alam ngunit kahit na ano'ng gawin ko ay pakiramdam ko'y hindi ko naman kayang magalit sa kapatid ko.

Huminga nang malalim at nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Noong nakita ko siya sa mall no'n... pakiramdam ko nagkaroon ako ng pag-asa. Kahit hindi pa ako masyadong nilalamon ng galit, ayaw ko naman na tuluyang masira ang pamilya natin. Pero nang umiling siya at natakot no'ng nakita niya ako ay parang gusto ko na lang siyang suntukin agad," singhal niya. Sa tono niya ngayon ay halos ramdam ko ang bawat poot at galit niya kay Papa.

"B-Bakit, Julian?"

"Ininsulto niya ako. Tangina." Bahagya kong nailayo ang cellphone sa tainga dahil sa malutong niyang mura.

Umiling-iling ako kahit hindi niya man ako nakikita. Alam kong hindi 'yon kayang gawin ni Papa. My father will never insult us. Kung ano man 'yong sinabi sa kanya ni Papa no'n ay tiyak kong hindi iyon klase ng pang-iinsulto.

Naalala ko no'ng nagkita kami ni Papa sa Victoria's restaurant. Ako 'yong sobrang nagalit sa kanya at tila pinaramdam ko rito na kinamumuhian ko siya nang alukin ako nito ng pera.

I swear, I will never do that again to my father. After all, he's our father...

I heaved a deep sigh when he continued talking. Muli kong binalik ang cellphone sa aking tainga.

"Kasama niya 'yong isang babaeng anak niya. Kahit parang nababalisa siya, tinawag ko pa rin siyang Papa no'n sa harap ng anak niya. Pero ininsulto niya ako. Pinahiya niya ako sa harap ng girlfriend ko. Tinanggi niya ako bilang anak at para bang nagka-amnesia siya dahil umakto siya na parang hindi ako kilala!" He sounded so frustrated and fuming mad in every single words he uttered.

Parang pinunit ang puso ko. Unti-unting nag-init ang gilid ng aking mga mata.

Ganoon na ganoon din ang reaksyon ni Papa no'ng nakita niya ako sa restaurant. I breathed as I control my emotions.

Kung nagsalita ako no'n at tinawag ko rin siyang 'Papa' ay pakiramdam ko'y gano'n din siguro ang kahihinatnan ko. Pakiramdam ko'y itatanggi niya rin ako sa harap ng asawa't mga anak niya.

I know everything's happen for a purpose. Siguro ay iisipin ko na lang na ayaw lang ni Papa na kamuhian kami ng kanyang asawa at mga anak.

"Kaya tumigil ka na, Ate, sa mga iniisip mong kilalanin 'yong dalawang anak niya. Kinamumuhian nila tayo. Galit sila sa pamilya natin. Gusto ko lang na umiwas tayo sa gulo..." dinig ko ang bayolenteng pagbuntonghininga niya sa linya.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon