Chapter 20
In love"Uuwi na ako bukas, Ate Rhianne. Nagpalusot lang kasi ako kay Mommy na mag-o-overnight sa kaklase," ani Zamarah at hilaw na humagikhik.
Siya ngayon ang nagbabantay ng nilulutong camote cue sa malaking kawali.
I was suddenly stupefied for a moment.
Zamarah always wanted the idea to meet my mother. At ngayon, nandito nga siya dahil pormal nang pinakilala ng kapatid ko kay Mama bilang girlfriend.
Ngunit anong ginagawa ni Al dito? Wala ba siyang duty sa siyudad? At siya ba ang nagsabi kay Mama na nanliligaw siya sa'kin? Definitely, yes, Rhianne! Paano naman malalaman ni Mama iyon kung hindi niya sasabihin, 'di ba?
I quivered at the thought. Introducing himself to my mother as my suitor made my heart raced.
Makahulugan na ang ngiti ni Zamarah nang hinarap niya ako. "Ikaw, Ate Rhianne, ah! Wala kang sinasabi sa akin kahit sa text."
Tumuwid agad ako ng upo at napa-angat ng tingin kay Zamarah. I already knew what she's pertaining about. Tumikhim ako. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya.
"Nanliligaw pala sa'yo si Kuya! Kailan pa, Ate?" she giggled. Bulalas iyon kaya batid kong napalingon sa gawi namin sina Julian at Al na kasalukuyang nanonood ngayon ng T.V sa maliit na sofa.
Maliit lang kasi ang sementadong bahay namin. Ilang metro lamang ang distansya ng kusina sa munting sala pati ang bungad ng bahay.
Mariin akong lumunok. I secretly signaled at her to stay quiet.
"Oops!" sabay tutop niya sa bibig.
Mabilis niyang pinatay ang stove at sandaling tumigil sa pagluluto bago naupo sa tapat ng lamesa. Bumili kasi saglit si Mama ng asukal sa labas kaya kami muna ang naatasan niya sa pagluluto ng merienda namin.
She leaned closer over me. Wala akong nagawa kung 'di ikuwento na lang kay Zamarah ang lahat.
"O.m.g," she recitedly drawled in silence. "Alam mo, Ate Rhianne, bagay kayong dalawa ni Kuya. Iisipin ko na talagang matagal na siyang may gusto sa'yo."
Napakurap-kurap na lang ako sa sinabi ni Zamarah. Somehow, I'm also thinking about it. Nagtagal iyon sa isip ko at natantong nagkaroon ngayon ng kahulugan ang mga sinabi ni Meg sa akin noon.
Naalala ko rin 'yong isang gabing sinabi ni Ma'am Teresa na hindi niya iniisip na consequence iyong pag-aaya sa akin ni Al na mag-date. Nagdeliryo agad ang damdamin ko sa kaisipang baka nga matagal na itong may gusto sa akin.
"Hindi naman kami close niyan ni Kuya. Palagi kasing suplado. Masyadong busy sa trabaho at palaging sa condo unit niya umuuwi," pagpapatuloy ni Zamarah sa mahinang boses. "Kaya pala nitong mga nakaraang araw madalas na siya sa bahay umuwi at tinatanong ako kung nakarating na raw ako rito sa Bacon District at kung kilala ko na raw si Tita Michelle. Tapos noong sinabi kong ipakikilala na ako ni Julian kay Tita Michelle, sumama agad siya. Iyon naman pala kasi may nililigawan si Kuya."
A playful smile crossed her lips.
Uminit na ang pisngi ko sa mga nalaman, nanunuyo na rin ang lalamunan. I don't know what else to say. Bahagya akong nagyuko ng ulo at tipid na ngumiti.
"Grade 9 pa ata ako noong last na may girlfriend si Kuya," sabay sulyap niya sa gawi ni Al na ngayon ay prenteng kausap naman si Julian. Binalik niya ang tingin sa akin. "Mabuti na lang at mabilis din siyang naka-move on. Hindi deserve no'ng Shana na 'yon si Kuya."
Nangunot ang noo ko. "Shana? S-Sinong Shana?" I lowered my voice.
"Iyong ex-girlfriend... ni Kuya," mahinang sagot niya, tila nag-aalangan na. "Two years din sila... pero 'wag kang mag-alala, Ate. One month lang naka-move on na agad si Kuya Al."
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...