Chapter 37
PainI always believe love is full of happiness. It is the only thing in this world that will make you find and sets your own worth. Your worth for everything. I know... I've been and I've felt the magical word—it gave me so many colors.
A different colors that will draw some realization with myriad of lessons.
But why is He being so hard on me? Why is He letting me suffer like this?
All my life, I have genuinely loved PO1 Al. I did nothing wrong—I just loved him with all my heart.
If these could be the lessons, why is He being so unfair with me? And I just couldn't seem to contemplate any of those because my heart is lurching in agonizing pain.
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit ganito na lamang kahirap? Bakit sobra-sobra akong nasasaktan? Bakit narito ako sa ganitong sitwasyon? Why does everything is being so difficult in me?
Why does my heart is drowning in so much pain?
Sa umiinit na mga mata at umaambang luha ay umiwas ako ng tingin. Panay na ang kausap sa akin ng babaeng front desk at hingi ng paumanhin kahit na hindi ko na siya masyadong pinapansin dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Hindi na nga ito malabong mangyari at hindi na rin dapat ako masyadong nagugulat pa kung bakit nangyayari ito lahat sa akin. The family Quarteros is wealthy and had several business connection. Nasisiguro kong gagawin ni Tita Selena ang lahat upang hindi ko na makita pa si Al at hindi na ako mapalapit sa anak niya.
Mabilisan kong pinahid ang tumulong luha. Bakit palaging umuusbong ang sakit sa sitwasyong kinakaharap ko? Bakit parang masyado akong pinapahirapan?
Suminghap ako at muling nagpatuloy sa ginagawa. Hinigit ko ang dalawang luggage ko, hindi iniinda ang dalang bigat nito. Tinulungan naman ako ng babaeng front desk ng condo ngunit umiling na lang ako't pinilit pa ring ngumiti.
"Pasensya na po talaga kayo, Ma'am. Masyado kasing galit at nag-aalburoto si Ma'am Quarteros kaya–"
"A-Ayos lang..." sabay pilit na ngiti. Isang kalabit na lang ay pakiramdam ko'y bubuhos na ang mga luha ko.
I was kicked out of the condo with my two luggages. Pagkaalis ko kanina sa Sharis cafe ay naisip kong dumiretso rito ngunit ito naman ang naabutan at bumungad sa akin. Hinakot ng Mommy ni Al lahat ng mga gamit ko at iniwan sa lobby.
Tita Selena is really furious. She yelled at me with so much anger and hatred that I would be ban in this condominium building. Pinagbabawalan niya akong pumasok sa condo na ito lalong-lalo na ang paglapit kay Al.
Everything is getting depressing, it pained my heart too much. I'm starting to get tired, restless, and immune to this literal kind of pain. Halos pinipiga na ang puso ko sa lahat ng mga nangyayari. Parang palagi na lang pinagsusuntok.
Parang hindi ko na kaya. I feel like I'm on the verge of finally giving up.
I'm starting to lose strength and hope for our love. Sobrang sakit. Si Al na lang ang pinanghahawakan ko sa lahat nang ito ngunit unti-unti na akong nadudurog at nauubos... at pakiramdam ko'y hindi ko na masasalba ang sarili. Parang gusto ko nang pumigtas sa pinanghahawakan. Parang gusto ko nang sumuko. Parang hindi ko na kayang panatilihin pa sa isipan ang mga pangako ni Al sa akin.
I was terminated at work. Pinaalis na rin ako sa condo. Hindi ko alam kung mayroon bang alam sina Tito William at Zamarah sa mga nangyayari. At kung wala nga silang alam sa nangyaring ito ay sa tingin ko'y hindi na rin nila ito kailangang malaman pa.
Para wala nang gulo.
At siguro... tama lang itong nangyayari sa akin. Deserve ko lahat ng mga paghihirap at sakit kaya hindi ko na rin dapat tinatanong pa ang sarili.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...