Chapter 1
OutrageousI immediately woke up feeling exhausted.
Nang napagtanto kong nasa kwarto ako ng aking apartment ay nakahinga ako nang maluwag.
I sighed again, deeply. Hinilot ko ang sentido at naramdaman ko agad ang pagsakit nito. Kahit hindi naman ako uminom kagabi ay pakiramdam ko yata may hang-over ako ngayon.
Tumakas ang sinag ng araw patungo sa loob nang hinawi ko ang kurtina. Tumingala ako at pinanood ang best friend kong mahimbing pa ring natutulog sa taas. Double-deck kasi itong hinihigaan namin. Ako sa baba at siya naman ay sa taas nito.
"Besh, gising na..." utas ko habang niyuyugyog si Meg. "May pasok na tayo ngayon!" Pumungay siya nang tinapik ko ang pisngi niya.
"Uh... inaantok pa 'ko besh!" aniya sa halos hindi na masyadong marinig na boses.
Napangisi ako. I see. Naalala ko nga pala na dapat male-late siya ngayon dahil nagpakalunod siya sa alak kagabi kaya sigurado akong tanghali na siya magigising!
Hinawi ko ang kumot sa mukha niya. "Besh, sino ang naghatid sa'kin dito?"
I actually have no idea what happened last night. Ang tanging naaalala ko lang ay hiningal ako dahil sa pagtakbo tapos may isang lalaki...
Sa isang iglap ay dinilat niya ang mga mata at mabilis siyang bumangon. Nagulantang agad ako sa reaksyon niya.
"Wala ka bang maalala kagabi?" tanong niyang nagpakaba sa akin. "Hindi ka naman uminom, ah!"
Kinunot ko naman ang noo. "Hmm... wala?" Kahit medyo may naiisip na ako.
Sa itsura niya ngayon ay para bang may hindi nangyaring maganda.
"I'm going to direct this to the point, besh..." ani Meg sa isang seryosong boses. "Well, naabutan ka lang naman ni Trevor na nawalan ng malay sa harap ng gate ng apartment at akala niya'y lasing na lasing ka!" Humagalpak siya sa tawa na siya ring ikinalaki ng mga mata ko.
Uminit ang pisngi ko at sinapo ang noo.
Sa sinabi ni Meg ay ngayon ko lang natanto ang lahat! Dahil masyado akong natakot doon sa lalaki ay naalala ko ngang nanghina ako at nanlabo ang paningin ko nang nakarating sa apartment.
Nakakahiya kay Trevor! Akala ko ba hindi siya dadalo sa birthday celebration ni Julian? Tanda ko ring malapit nang maghating gabi noon.
Pinandilatan ko si Meg habang panay ang tawa niya. "Alam nating dalawa, besh, na hindi ako uminom kagabi," umiiling na sinabi ko. "Kayo ang mga sabik sa alak!"
"Unless otherwise, we can change Trevor's mind!" tumatawang sambit niya habang niyayakap ang unan.
"What do you mean?"
"Well, Trevor thought you are really drunk last night that's why you ended up lying there and mind you, he's got many pictures of you!" nanunuyang aniya.
"What?" gulat kong tanong.
He's got many pictures of me? Nakakahiya! Uh, baka niloloko na naman ako nitong babaeng 'to. I know, Trevor can't really do that thing!
Mas lalo siyang humalakhak kaya kailangan ko na siyang patigilin ngayon dahil baka biglang dumating ang landlady namin at pagalitan pa kami.
Sa tingin ko'y si Trevor nga ang naghatid sa'kin papunta rito...
Unti-unting gumapang ang kaba sa akin. Ano na lang ang sasabihin niya kung sakaling magkita kami sa school? Baka isipin no'n nagrerebelde ako gayong nalaman niya rin ang tungkol sa pamilya ko. At mas lalo din akong naiirita dahil ang magaling kong best friend ay patuloy akong pinapaliguan ng kantiyaw.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...