Chapter 36
Fired"The patient is suffering a retrograde type of amnesia. In this case, he has forgotten his recently formed memories. And although he has got a very mild head injury, it resulted to slight damaged some of his brain structures that form the limbic system so it somehow affects his recent and older memories. But I'm very positive that it will not cause permanent amnesia. Hindi lang natin masasabi kung kailan babalik ang mga alaala niya. Maybe sooner or later, hindi natin masasabi. Sa ngayon ang kailangang gawin niya muna ay pahinga at kaunting medikasyon. You should not stress his brain and you should let him rest for a while because I'm positive he will just gain his memories back normally," anunsyo ng doctor na nag-obserba kay Al sa harap ni Tito William. "Excuse me..."
My heart ached slowly and painfully when I heard it.
Ang sakit... Sobrang sakit...
Unti-unting lumulubog ang puso ko sa kailaliman dahil sa patuloy na pananakit ng aking dibdib. Marahan kong pinalis ang mga luha kahit na wala pa rin itong tigil sa paglandas.
Nanginginig ang labi ko habang pinipisil ang mga daliring nangangatog. Pinagmasdan ko si Al na ngayon ay kunot ang noo habang blangkong tinitingnan ang Mommy niyang tahimik na humihikbi sa kanyang tabi.
Pinipiga ang puso ko, patuloy na umuusbong ang sakit sa kaloob-looban. Seeing him right now... mindless about everything and what's happening made my chest tightened. My heart is dripping in so much agonizing pain.
"Kuya... hindi mo ba kami maalala. Ako 'to si Zamarah... si Ate Zyrelle... si Mommy..." Unti-unting pumiyok ang tinig ni Zamarah.
Al only looked at her with baffled on his eyes.
Muling dumaloy ang maiinit na luha sa aking pisngi. Tahimik na umiiyak sina Zamarah at Prof. Zyrelle habang dinadaluhan si Al. Bahagyang hinahagod rin ni Ma'am Zyrelle ang likod ng Mommy niya habang patuloy itong humihikbi.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko mawari ang gagawin. Namumugto na ang mga mata ni Zamarah habang sinusubukan niyang kalmahin ang sarili at kausapin ang kapatid.
Nasasaktan ako at pakiramdam ko'y wala akong magawa. Kahit gumalaw man lang ay parang hindi ko kaya. Kahit lapitan... yakapin... o hawakan man lang nang marahan ang kamay ni Al. Parang hindi ko na kayang gawin ngayon.
Parang hindi puwede...
I feel like I'm not allowed to. I feel like it's entirely my fault. I feel like I was about to blame for everything.
Patuloy lang na kumukunot ang noo ni Al. He stared at them blankly.
"Zamarah... stop asking him some questions. W-We don't know what's gonna happen if his brain get worse. W-We should let our brother rest for a while..." Prof. Zyrelle trailed off as her tears continue to flowed.
Binalot ng puro hikbi ang silid at hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Yumuko ako. My heart will just sank in so much pain everytime I tried to look at them.
Ilang sandali ay hikbi na lamang ni Tita Selena ang naririnig sa buong silid. Walang tigil. Patuloy namang hinahagod ng magkapatid ang likod nito at marahang tinatahan.
Binaling ko ang tingin kay Al. His deep-set eyes that's used to be prudent and expressive is now weary and totally filled with confusion. Muling nag-init ang gilid ng mga mata ko sa umaambang luha. My PO1 just gazed at me with complete emptiness on his eyes. Walang kahit anong ekspresyon at tila naguguluhan siya kung anong nangyayari.
My heart hurt. Suminghap ako para pigilan ang namumuong luha.
Bumukas ang pinto ng silid hudyat na pumasok si Tito William pagkatapos kausapin sandali sa labas ang doctor. Pagkarating niya sa gilid ko ay siyang pagbaling ni Tita Selena sa akin habang namumugto ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...