Chapter 39

268 9 0
                                    

Chapter 39
Memories

I was too preoccupied the next days. I still don't want to believe it. Sa mga nalaman ko sa sinabi ni Zamarah ay ayoko pa ring paniwalaan na kasabwat nga si Papa sa nagsabotahe sa kompanya nila. Hindi ko rin kayang paniwalaan kung may alam nga si Papa sa nangyaring aksidente sa amin ni Al at gusto kaming barilin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact pati si Psalm. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako roon o hindi.

Wala ring alam sina Mama at Julian tungkol doon at ayaw ko na ring sabihin pa iyon. Julian is still upset to our father and I know for sure he would be really furious once I tell him about it.

I sighed.

Madaming bagay ang gumulo sa isip ko sa iilan pang mga araw. Magkikita kami ni Al sa school, ang unang planong sinabi ko kay Zamarah. At parang hindi ko na kayang maghintay pa sa araw na iyon. I missed him so damn much and that I couldn't really wait to see him.

Until the last week of October.

Malapit na malapit na ang birthday ng kapatid ko kaya sobra din akong nahirapan na kumbinsihin siya tungkol doon. I didn't tell him about our plans. Mabuti na lang at hindi ko talaga sinabi dahil pakiramdam ko'y hindi nga siya papayag na makausap ang kanyang ex-girlfriend na si Zamarah.

"Kailan mo nakausap si Al? Bumalik na ba ang mga alaala niya?" His brows furrowed a bit.

Umiling ako. "Hindi pa. Si Tito William ang tumawag sa akin. Samahan-"

Humalukipkip siya. "Tss..."

I find it hard trying to convince my brother for that. Ayoko namang biguin si Zamarah. Gusto kong tumupad sa usapan dahil iyon ang kagustuhan niya. She really wants to talk to him, maybe, to make things right for them. For their relationship.

"Sige na, Julian. Please.... samahan mo na ako."

"Tss. Ba't kailangan pang kasama ako? At sa birthday ko pa talaga?" he probed, annoyed.

"Kasi tumawag sa'kin si Tito William at saka sinabi niya-"

"Okay. Pero hindi muna kita masasamahan agad. Mag-iinuman pa kami niyan ng mga tropa ko. Baka susunod na lang ako para masamahan ka," aniya kaya agaran akong natuwa at niyakap na siya roon.

Umiling-iling naman siya at walang pasubaling umalis ng bahay.

I heaved a massive sigh when I finally convinced him. Ngayon pa lang ay parang hindi na masukat ang dagundong sa aking dibdib! It feels like as if I'm gonna meet Al for the very first time in my entire life.

This really feels surreal. Maybe because we haven't seen each other for a long time. We've gone with so much detachment.

At para bang hindi ko na mawari ang gagawin kapag dumating na ang araw na iyon. Ang araw na kikitain ko siya sa mismong birthday ng kapatid ko. Iniisip ko na para bang babalik ulit ako sa dati na mai-intimidate sa kanya sa oras na magkita kami.

I'm quite nervous and excited at the same time. Sa bawat araw na hirap at pagod ng patay kong puso ay tila ba muli itong nabuhay. Tila ba muli itong bumangon.

I figured even without his memories, I must still hold onto him. I must live a life to the place he had created on my fragile heart. And then I think I should always put it in mind. I should always stay strong no matter what. Kailangan kong maging matatag at malakas para sa amin. Para sa aming relasyon.

I want to make things right for us. I will make him remember me even if it reach thousands of pain to the depths of me. Gagawin ko ang lahat basta maalala niya lang muli ako... kahit pa madurog ako sa sakit.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon