Chapter 8

440 11 0
                                    

Chapter 8
Dead memories

My heart is pounding hard when it immediately dawned upon me that he's really waiting outside of our apartment. Kinagat ko ang ibabang labi nang nakitang nagmamadaling pumasok si Meg sa aming kuwarto galing sa labas.

"Besh!" She paused for a moment to catch her breath. "Naroon nga si PO1 Al sa labas naghihintay. Dalian mo at magbihis ka na!" aniya at minuwestra na sa akin ang banyo.

"Ako na ang bahala. Ako na mag-aayos sa'yo, besh!" she exclaimed. Humagikhik siya.

I groaned inwardly. Sa totoo lang ay mukhang siya itong magkandaugaga na at sobrang excited para sa date na ito. My cheeks heated so bad. Hindi ko na napigilan ang matinding giyerang nagaganap sa loob ng dibdib ko.

Mabilis akong naligo. Ten minutes lang ay nagkukumahog na akong matapos. Hindi dahil sa gusto o excited ako para rito kung 'di dahil ay sobrang nakakahiya kung pag-aantayin ko roon sa labas si Sir Al ng mahabang oras.

The extreme nervousness I felt was immediately relieved after I took a bath. Ngunit nang inaayusan ako ni Meg ay unti-unti na ring nagsimula ang mariing pagdagundong sa dibdib ko.

"Tumingala ka, besh," ani Meg at umambang lalagyan ng mascara ang pilik-mata ko.

Umiling ako't hinawi ang kamay niya. "'Wag na, besh. Hindi ako sanay sa ganyan."

She pouted as she rolled her eyes. "Hmm... well, mestiza ka naman, besh, kaya nangingibabaw pa rin ang ganda mo. Okay. No need," pagsuko niya habang pinapanood ang repleksyon ko sa salamin.

"Omg! Panigurado akong after nito, mai-in love talaga sa'yo si PO1 Al." Pumalakpak siya at mas lalong humagikhik.

I gulp. Agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata. What she said was contradicting. Mai-in love? Siguro iisipin ko na lang na ginagawa ito ni Sir Al dahil ito ang consequence sa nagawa kong kalampahan sa trabaho.

I have never been in love with someone. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako at makikipag-date. Kahit nga 'yong minsang mga anyaya sa akin ni Trevor ay hindi ko nagagawang paunlakan kaya masasabi kong wala pa akong experience para sa ganitong bagay.

Ma'am Teresa also made it wrong. Seryoso talaga si Sir Al sa date na sinabi nito!

Nangangatog ang mga binti ko nang tumayo matapos ang ilang sandaling pag-aayos. Kung matatawag ngang pag-aayos ang ginawa namin. Naglagay lang ako ng powder sa mukha at inayos ko lamang sa ponytail ang buhok.

I even pressed my lips together to vent the tint on my lips. Ani Meg ay hindi naman daw sobra 'yong nilagay niya, tama lang para mai-highlight ang aking labi.

Naging mabigat ang bawat hakbang ko habang lumalabas ng apartment. I'm just wearing an off-shoulder floral blouse. Pinares ko 'yon sa isang jeans at puting flat sandal. Simple lang dahil hindi naman ako 'yong tipo na mahilig sa mga magagarbong pananamit.

Unti-unting umibabaw ang tensyon sa akin nang namataan ko si Sir Al na nakahilig sa kanyang itim na motorsiklo. Mariin akong lumunok. I inhaled and exhaled as I tried to made myself calm as much as possible.

Nakaramdam tuloy ako ng kaunting hiya. Bakit ba kasi tanghali na akong nagising!?

"Hi, Rhianne," nakangiti niyang bati sa akin.

"Good morning... S-Sir Al," I greeted him back as I tried to force a smile.

Halos nanginig na ang bibig ko dahil sa pagkakautal.

He chuckled lowly. "Sabi ko naman sa'yo na 'wag mo na akong tawaging 'Sir'. I kinda felt I'm very too old at that. Al na lang tawag mo sa'kin." A ghost of small smile slowly rose on his lips, it was as if his smile were reassuring.

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon