Chapter 27
Aware"Congrats again, Rhianne! Malamang kasalan na ang sunod nito. Mukhang nagmamadali na rin yata ang pinsan ko," si Ma'am Teresa na hindi mapanis ang ngiti bago muling bumalik sa loob ng counter para i-serve pa ang mga alak.
Mas lalong dumaan ang matinding init sa aking pisngi. Inusisa pa ako ng mga kaibigan at iilang katrabaho ko.
"Congrats, Rhianne!"
"Hi, Rhianne! Congrats sa inyo ni Sir Al!"
"Sana makahanap din ako ng boyfriend na gwapulis. Mga kasing hot ni PO1 Al!" si Mikaella na halos manisay na sa kilig.
"Kailan ang kasal, Rhianne?" pabirong usisa naman no'ng isang regular na katrabaho.
My heated cheeks intensified more. Halos paikot-ikot lang ang mga tanong nila, paikot-ikot na lang din ang mga sagot ko. Kung kailan at saan ko raw sinagot si Al, kung kailan ako niligawan, kung sweet, at kung anu-ano pa.
I am extremely happy today. I just met Tito William, my boyfriend's father. I couldn't believe he likes me as his son's girlfriend. I stiffened by the thought. It really feels surreal.
Ano kaya ang pakiramdam kapag naging asawa ko na si Al pagdating ng araw? Ano kaya ang pakiramdam kapag nagkaroon na kami ng mga anak? Panigurado mas lalong titindi itong damdamin ko kapag nagsama na kami!
I giggled inwardly. I know he'll be a good husband. The idea somehow exhilarates me when that day finally comes.
Napanguso lang ako sa upuan nang nakitang nakisali si Al sa inuman. I frowned so I texted him. Ayoko talagang naglalasing siya. Ayoko sa mga lasinggero. Ayoko rin sa mga nagbibisyo.
Ako:
Al, stop it. Ayokong malasing ka.Saglit na dumako ang tingin ko sa kanya. Dinungaw naman niya ang kanyang cellphone. He smiled at that. Lumihis ang kanyang tingin patungo sa akin kaya umirap ako't binaling ang tingin kila Meg sa harap.
PO1:
Baby... 'di 'yon maiiwasan. Don't worry. Hindi ako malalasing 😘I pouted while typing a reply.
Ako:
Ba't ka nag-iinom kung gano'n?PO1:
I should, baby. Nakikisama ako. Saka hindi ako iinom nang marami ngayon haha.Napangiti na lang ako sa sunod niyang reply.
PO1:
Lalambingin pa kita mamaya 😉My breathing hitched. Kumalabog ang puso ko nang natantong sa condo siya matutulog ngayong gabi. Umiling ako't nakinig na lang sa usapan nila Meg bago binaba ang cellphone.
"Ang s'werte talaga ni Rhianne. Soon... makakahanap din ako ng gwapulis katulad ni PO1 Al!" si Mikaella sabay halakhak.
"Paulit-ulit na lang, Mikaella? Unlimited, gano'n? Cheers na lang tayo gaga!" sabat ni Meg at umirap.
Nagtawanan sila Eliana at ang iba pa naming katrabaho. Nakitawa na rin ako. Mikaella frowned, umiismid sa kanyang inuupuan dahil sa sinabi ng best friend ko.
"Meg, I want a mature man. 'Yong katulad ni PO1 Al na guwapo rin at kapag tumitig, nakakapanlaglag panty. Iba naman kasi ang taste mo Meg, e! Palibhasa tirador ka ng Senior High!" untag pabalik ni Mikaella.
Humagalpak sa tawa si Eliana. Sinubukan kong uminom ng alak pero halos masamid na lang ako dahil sa tapang ng lasa at dahil na rin sa sinabi ni Mikaella. Now, it was Meg's turn to frown.
"Hoy, hindi ako tirador 'no! Crush ko lang talaga 'yong Senior High na 'yon dahil ang galing niyang mag-basketball!"
Muli silang nagtawanan. Napahalakhak na lang din ako. I wonder... sino ba itong basketball player na Senior High na kinababaliwan nitong best friend ko?
BINABASA MO ANG
Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)
RomanceRhianne Coleen Montecarlo is an ordinary-looking, simple yet tough, working student who always prioritize her study and her family more than anything else. Until someone suddenly came crashing into her life and open the door of her heart. In the mi...