Chapter 35

209 8 0
                                    

Chapter 35
Sino

My vision was in a blur when I slowly opened my eyes.

Bahagyang ingay sa paligid ang naulinigan ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. My vision were still fogged until my sight slowly becomes clear and the image of my mother visibly showed up in front of me.

"A-Anak..." si Mama na tila na-alarma nang napagtantong dumilat ako.

"Salamat sa Diyos at gising ka na, anak!" My mother exclaimed in tears as she immediately reached for my hand and let my knuckles brushed her cheeks.

Nabasa ang palad ko dahil sa kanyang matinding pagluha.

"Salamat sa Dios... salamat... salamat at nagising ka na, anak," mangiyak-ngiyak na inusal ni Mama.

Mabigat akong suminghap at dahan-dahang tumingala. Puting kisame ang tumambad sa paningin ko. I could feel my body aching a bit.

I shifted my gaze back to my mother and then my eyes fixated to the people flocked behind her.

Kumunot ang noo ko. My eyes suddenly felt hot and weary. Nakita ko ang dalawang kapatid ko sa bandang likuran ni Mama. Dumapo ang mabibigat kong mga mata sa gilid nila. Nasa bandang gilid ni Julian sina Meg at Eliana na tila napukaw ang atensyon. Nahinuha ko ang bahid ng lungkot at pag-aalala sa kanilang mga ekspresyon. Nahagip ko rin ng tingin ang isang nurse na lumabas sa silid na kinaroroonan ko.

I inhaled calmly. Doon ko lang napagtantong nasa ospital ako. Mariin akong napalunok nang tinitigan ang iilang cast sa aking braso at palapulsuhan. My breathing hitched sharply.

This is my first time being hospitalized.

I then suddenly remembered about what happened...

May humabol sa amin na motor. Dalawang taong naka-bonet at gusto kaming barilin! Hanggang sa may truck na paparating...

Unti-unting gumapang muli sa akin ang takot at pangamba. It immediately dawned on me. Naaksidente kami.

Naaksidente kami ni Al.

"Mama..." Nanginig ang boses ko nang binaling ko ang tingin sa kanya. "Si Al? A-Asan po si Al?"

I felt the corners of my eyes immediately heated as I asked and watched her closely.

"Anak..." Naluluha si Mama nang tinuon niya ang buong atensyon sa akin. "Naaksidente kayo. Mga galos ang natamo mo... M-May masakit ba sa katawan mo?"

I heaved a sharp breath. Medyo masakit ang buong katawan ko ngunit pinilig ko ang ulo bilang tugon. Hindi ko na iyon ininda dahil ang tanging laman ng isip ko ay si Al.

Ang boyfriend ko? Asan si PO1? What happened to him?

Nahagip ko muli ng tingin ang braso kong may iilang benda at pakiramdam ko'y may natamo akong malalaking mga galos doon dahil bahagya itong humahapdi at kumikirot. Napalunok ako't umiling muli kay Mama.

I stared at her wearily.

"Ma... sagutin n'yo po ako. Asan po si Al? Nasaan po s'ya?" I trailed off. "A-Ano'ng nangyari sa kanya?"

My mother sobbed quietly. Umangat ang tingin ko nang dumalo agad si Julian sa kay Mama at bahagyang hinagod ang likod.

"Ate-"

"Julian..." ani Meg at bahagyang lumapit upang daluhan din si Mama.

My heart pounded harshly. Binaling ko muli ang tingin kay Mama. Bakit hindi niya masagot-sagot ang tanong ko? Bakit?

Asan si Al? Ano'ng nangyari sa kanya!

Unti-unting lumandas ang maiinit kong luha sa pisngi. Naaksidente kami ni Al. Iyon ang huli kong naalala habang hinahabol kami. Gusto ko na siyang makita. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya!

Beyond the Midnight Sun (Midnight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon