CHAPTER ONE
The Change
***
Audrey
Panaginip. Isang karanasan na 'di kailanman mangyayari sa totoong mundo. Isang lugar na gugustuhin mong manatili habangbuhay. Isang lugar na kaya mong gawin lahat. Isang lugar na puno ng mahika.
Bawat bata gustong mamuhay sa loob ng panaginip. Dahil dito lang nila nararanasang lumipad, magkaroon ng kapangyarihan, makita ang kanilang mga hinahangaang tao at mga hayop, na purong mga kathang isip lamang.
Dreams brought us happiness, but sometimes it brought us—
"Audrey! Male-late na tayo sa klase? Ano ba'ng ginagawa mo diyan? Bumaba kana rito!" sigaw ng isang babae na siyang pumutol sa ginagawa ko.
"Oo na! Bababa na po!" sagot ko habang inaayos ang uniporme. "Ito talagang si Elsa panira ng moment," reklamo ko at saka tinungo ang pinto palabas ng kwarto.
I'm Audrey Lefevre. Isang ordinaryong high school student na may ekstraordinaryong ganda.
I was on my way down to the kitchen to eat my breakfast, at mukhang mapaparami na naman ang kain ko nito. Paano ba naman kasi, masyadong ginagalingan ni Elsa ang pagluluto.
"Ano ba'ng ginagawa mo do'n sa kwarto mo?" tanong niya nang marating ko kusina. Abala niyang nilalagay ang mga plato't kutsara sa mesa kay naisipan ko tulungan siya.
"Nagsusulat ng article para sa newspaper namin bukas," sagot ko.
She's Elsa Verdier, one of my best friends. Apat kami ritong nakatira sa bahay na 'to: dalawang babae at dalawang lalaki. Parehong patay na ang mga magulang namin sa hindi malaman-laman na dahilan kaya tanging kami lang ang nandito. Minsan na naming inalam ang dahilan ng pagkawala nila pero bigo kami. Ang tanging alam lang namin ay iniwan nila kami sa ampunan at 'di na bumalik.
"Teka, nasaan na ba 'yong dalawa?" tanong ko nang mapansin kong hindi pa bumababa ang mga boys. Kadalasan may nauuna pa ang mga iyon na makababa rito sa kusina dahil sila lang naman ang patay-gutom sa aming apat.
"Oo nga, noh," pagsang-ayon ni Elsa na agad napatingin sa may hagdan. "ELIOTT! WAYNE!" nakakabingi niyang sigaw dahilan para mapatakip ako ng tainga. Kahit kailan wala pa ring tatalo sa lakas ng boses.
"Good morning!" sabay na sigaw ng dalawang lalaki mula sa hagdan na siyang ikinagulat ko. Sinamaan ko sila ng tingin pero dinedma lang ako ng mga ito.
"Ano ba? Nagmo-moment ako rito!" kunot-noong protesta ko.
"Tumahimik ka nga diyan! Sino ba kausap mo, ha?" iritableng tanong ni Wayne na siyang ikinainis ko. Umagang-umaga, nambibwisit!
"Sarili ko. Bakit may problema ka?"
Nilingon ni Wayne si Eliott at saka napasabi, "May kaibigan pala tayong baliw?"
"Aba! Sino ang tinatawag mong baliw, ha?" galit na tanong ko kasabay ng pagtayo ko sa upuan.
"Magsitigil nga kayo! Ano ba? Kakain ba kayo o hindi?" pigil sa amin ni Elsa na siya namang ikinatahimik namin.
"Kakain na po!" sabay naming sabi ni Wayne kasunod ang pag-upo namin sa mga upuan namin. Pero hindi ibig sabihin nito na tapos na ang laban kasi kahit habang kumakain todo naman ang titigan namin ni Wayne para ipadala sa isa't-isa kung gaano kami kainis.
***
Lahat ay nagambala dahil sa biglaang ingay ng alarm na tila nagsasabi na may kung anong sira sa isa sa mga naglalakihang mga makinarya. Dagundong na mga nagtatakbuhang mga paa ang umalingawngaw sa buong gusali na ang destinasiyon ay ang pinagmumulan ng problema. Taranta at pagkabahala ang naging panggatong nila para mapanatili nila ang enerhiya nila.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...