CHAPTER SIXTEEN: PROPHETIC THREAT

64 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Prophetic Threat

***

Audrey

Nagising ako dahil sa ingay ng mga naghahampasang alon. Isali mo na rin ang mga boys na maingay na naglalaro sa dalampasigan. ‘Di ko masabi ang dahilan pero ang sarap ng gising ko ngayong umaga.

Bumango ako at saka napaupo muna para bigyan ng pagkakataon ang katawan ko na makapag-adjust. After a minute, ay tumayo na ako at saka nagsimulang ligpitin ang kama. Nakuha ng mata ko ang bakanteng higaan ni Elsa. Mukhang naghahanda na yun ng almusal namin.

Nang matapos ligpitin ang pinagtulugan ko, ay nag-ayos ako ng buhok tapos lumabas na. Pero nakuha ng atensiyon ko ang pinto sa kwarto ni Mathew. Kumusta na kaya siya?

Napagdesisyonan kong bisitahin siya. ‘Di natin alam baka kung ano na nangyari sa kanya. I’m just worried matapos ng nangyari sa kanya kahapon.

Nang marating ko ang pinto ng kwarto niya, nagdalawang-isip pa ako kung kakatok ba ako o hindi. Pero mas nangibabaw yung pag-aalala ko sa kanya kaya kumatok na ako at saka naghintay ng response niya.

“Come in!” he answered telling that I’m good to enter.

I entered his room na tanging ilaw lang mula sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto niya. I traveled my gaze throughout the room at nalaman kong isang simpleng kwarto lang pala ito. Walang magagarang mga gamit o mga furniture. It released a same ambiance na katulad sa kwarto namin.

But something in the table caught my eyes. It's a family portrait ng pamilya nila Mathew. Nilapitan ko ito at saka ito kinuha para tingnan ng malapitan. Gamit ang ilaw ng bintana, I looked at the portrait.

In the frame was a man and woman in their 40s, at sa gitna nilang dalawang ang isang bata na sa tingin ko around 10 ang edad. They all smiled na parang iyon ang pinakamasayang araw sa buhay nila.

"Nakita mo na pala yung parents ko." Sambit niya. Umupo siya sa kama habang nakasandal sa headboard nito. Kahit bagong gising siya at medyo ‘di pa siya ayos, ang gwapo pa rin niya. Ibinalik ko ang litrato sa kinalalagyan nito at saka tiningnan siya. "Have a sit." Paanyaya niya, habang turo-turo ang bakanteng espasyo ng kama niya.

Kahit nahihiya, umupo ako habang pinipilit na hindi mailang sa kanya. He’s staring at me, at kapag nagpatuloy siya ay siguradong ikakapula iyon ng pisngi ko.

"Kumusta ang ulo mo?" tanong ko para sirain ang nakakailang na tensiyon sa aming dalawa.

"Hindi na siya masakit. Nawala na yung effect ng substance." Tugon niya na ikinataka ko.

“Substance?” takang tanong ko habang nakakunot ang noo.

“Yung ginamit ni Loque sakin para atakehin ako,” sagot niya na ikinatango ko. “Matanong ko lang, how did you know na impostor si Loque.” Tanong niya.

“Ask your scar,” tugon ko dahilan para hawakan niya ito. “Let’s just say na ginamit ko yan as reference.” I joked na nagpangiti sa kanya.

“Napansin mo pala.” Sambit niya habang suot-suot ang nahihiyang ngiti.

“Would you mind telling me the story behind that?” I requested but he just giggled. “Based from your giggle, mukhang nakakahiya ang kuwento niyan.” I speculated na mas lalong nagpatawa sa kanya.

“You’re quite good in deduction, Audrey. Good for you.” Puri niya pero di niya ako madadala sa mga ganya…Ack! He just praised me! Napangiti nalang ako, habang pinipilit na hindi kiligin sa sinabi niya.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon