CHAPTER TWENTY-FIVE
The Highest Rank
***
Audrey
Torin and Aurie were still busy convincing Nemos na magkaibigan sila. Sa tuwing pinipilit ng dalawa ang sarili nila na magkakilala sila, ay mas lalong naiinis ang leon. I can feel in his voice na naiirita na siya sa pangungumbinsi ng dalawa. Well, he don’t had a choice. The two wanted him to remember so badly, kasi ‘di lang naman ‘to para sa kanila, pero para din sa kaligtasan ng dalawang mundo.
Habang abala ang tatlo sa pagbabangayan, kami naman ay nanonood lang. Wala din naman kaming maitutulong sa kanila. Kung mismong kaibigan niya hindi niya maalala, paano nalang kami na dayuhan at kakarating lang. That’ll escalate the situation, at kapag nangyari iyon, it’ll be our doom.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo, na wala akong kaibigan!” inis at galit na sigaw nito na yumanig sa buong kwarto. His shout — more like, growl — awaken every cell in our body, dahilan para maalerto kami. I can already feel his rage right now, at mukhang hindi na maganda ang susunod na mangyayari. “’Pag hindi kayo umalis dito sa loob ng sampung segundo, mapipilitan akong ilabas kayo — sa ayaw’t sa gusto niyo.” Pagbabanta niya na siyang ikinabahala namin.
“Kung iyan ang gusto mo Nemos, mapipilitan din kaming kalabanin ka. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sayo but you’re not the Nemos we knew.” Tugon ni Torin na mas lalong ikinainis ng leon.
“So be it.”
“Torin, watch out!” biglang sigaw ni Mathew, pero masyadong mabilis si Nemos. Sinunggaban na niya si Torin, halos hindi namin makita ang pag-atake niya. Ang tanging alam namin, ay nag-away na ang dalawa na tila mga aso’t-pusa — aso at pusa naman talaga sila.
“Aurie!” sigaw ni Wayne.
“On it!” tugon ni Aurie na agad pinuntahan ang nag-aaway na hayop. All of us were just watching — not until I felt something. That threatening gut feeling, again. At malakas siya ngayon. As if, the threat were close. But where.
“Elsa, can you calm the two?” pabor ni Mathew na agad tinanguan ni Elsa.
Elsa looked at the three na tila mga nag-wrestling na mga hayop. Kung hindi namin alam na magkagalit sila, baka iisipin namin na naglalaro lang sila — but they’re not. Ramdam ko ang galit ng tatlo at hindi mo gugustuhing pumagitna sa kanila.
Agad lumitaw sa noo ni Elsa ang puting magic circle habang nakapikit ang mga mata. Pero gulat kami nang mag-glitch ito na tila isang computer na sira, o isang channel na walang stable na reception. Elsa didn’t seemed to notice the glitch pero pansin kong nagkakaroon siya ng problema dahil sa nakakunot niyang noo. A while after, tumigil din siya at bigo siya sa pinagawa sa kanya ni Mathew.
“I can’t connect to Nemos. Something was interfering my connection,” dismayadong sabi ni Elsa. Mathew just nodded at saka muling napatingin sa tatlong hayop na tila wala atang planong tumigil sa pakikipagrambulan. “What is it, Audrey? Is something wrong?” takang tanong ni Elsa.
“If I were to ask, everything here is wrong. Nemos can’t remember the two, Elsa can’t control Nemos, and I have this unsettling feeling inside of me na nagsasabing something, or someone, was here na hindi natin gustong makilala.” Tugon ko.
“Very well, Audrey.” biglang sabi ng isang boses. None of us had this voice kaya imposibleng isa sa amin ang may gawa nito. Kung kanino man ang boses na iyon, sigurado akong siya ang tinutukoy kong “someone” na nasa likod ng kaguluhang ito. All of us searched for the source of the voice, but we failed to catch a glimpse of it, or him.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Ciencia FicciónBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...