CHAPTER ELEVEN
Unmasked
***
Audrey
The day had finally came. Ngayong araw na ito, mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Dr. Ariex. Everything had been set and all that’s left to do was to execute the plan. Malalaman nilang lahat sa araw na ito na ang pinagkakatiwalaan nilang Head ng Science Department ay isa palang mamamatay-tao.
"Okey, let's start." Utos ko at saka nagsimulang in-unscrew ni Eliott and takip ng air vent.
"’Wag ka munang bumaba, ilagay mo muna dyan si Erik." Pigil ni Elsa kay Eliott matapos nitong buksan ang air vent.
"You mean, yang daga?" takang tanong ni Eliott habang pinanlalakihan ng mata si Elsa.
"Yup."
"Alam mo naman siguro na takot ako sa daga, ‘di ba?" Eliott reminded.
"Oo alam ko, at saka 'di ako makaka-abot sa air vent kung ako mismo yung maglalagay. ‘Di rin pwede si Audrey kasi parehas kami ng height, at saka nasa labas na si Wayne, nagbabantay. You have no choice!" paliwanag ni Elsa dahilan para magbuntong-hininga si Eliott. Talo na naman siya sa babaeng ‘to.
"Fine, akin na." Labag sa loob nitong iniabot ang kamay para kunin ang daga mula kay Elsa. Dahan-dahang inabot ni Elsa ang daga kay Eliott na nanginginig sa takot..
"’Wag na ‘wag mong ibabagsak si Erik! Lagot ka talaga sa akin." Pagbabanta ni Elsa pero masyadong abala si Eliott sa daga. He stared at it, na tila kinakausap ito telepathically na huwag magloko.
Ilang sandali lang at nailagay ni Eliott ang daga sa air vent. Agad namang tinungo ni Elsa ang sofa at umupo dito. She closed her eyes kasunod ang paglitaw ng simbolo sa noo niya.
Kasabay ng paglitaw ng simbolo ay ang pagtakbo ng daga patungo sa kwarto ni Dr. Kasuke. Agad kaming nagtungo sa mesa at nanood sa video feed na nakaproject sa tablet ni Wayne. Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa marating niya ang kwarto ni Dr. Kasuke.
"Okey, let's start looking for those files."
Una siyang nagtungo sa shelf na puro folders and papers ang laman, pero wala doon. Nahalughog na namin ang buong kwarto pero wala kaming nakita.
"Sa tingin ko hindi si Dr. Kasuke ang killer." Puna ni Eliott.
Napayuko nalang kami nang malamang hindi namin nakita ang hinahanap namin, pero nagulat kami nang lumitaw sa screen si Dr. Kasuke.
"Wait, nandito siya. Tingnan natin, baka ilabas niya ang files." Sambit ko dahilan para maging alerto kaming lahat.
We focused our gazes on the screen while we watched Dr. Kasuke. And as expected, may kinuha siyang kahon sa ilalim ng kama niya.
"Yan yung secret box ko. Dyan nakatago yung mga private at personal files ko." Gulat at ‘di makapaniwalang sabi ni Dr. Ariex.
"At isang magandang lalagyan din ng isang ninakaw na files." puna ni Eliott. "Don't forget to take pictures Audrey." paalala niya.
"Alam ko."
I hovered my finger on top of the shutter button while our eyes fixated on the screen. Watching Dr. Kasuke opening the box felt terrifying. He pulled the files out from the box one by one until nothing's left.
"Yun lang? Wala yung files ko!" takang tanong ni Dr.
"Siguro ‘di nga siya ang kil —"
"Wait, look!" biglang sabi ko dahilan para maputol si Eliott sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...