CHAPTER TWENTY-SIX: MONSTER IN THE FOREST

51 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

Monster in the Forest

***

Elsa

Nasa parehong kwarto pa rin kami ngayon ng templo, nakaupo sa harap ng apoy. Napagdesisyonan kasi namin na dito muna magpalipas ng gabi, since hindi pa gumigising si Aurie at si Torin. Tuluyan ko nang nagamot ang mga sugat nila, kaya hinihintay nalang namin na magising sila.

As for Nemos or Leo, naging guardian na siya ni Eliott. Todo ang paghingi niya ng paumanhin sa amin nang malaman niya ang ginawa niya, lalo na sa mga kaibigan niya. Kinuwento din niya sa amin kung paano siya nilinlang ni Arcedes para kontrolin siya.

Speaking of Arcedes, nalaman namin mula kina Audrey na tumakas pala ito. That’s probably how Leo turned into his normal self — ‘di na siya abot ni Arcedes.

Kahit na tagumpay kami sa pagkuha kay Nemos, bigo naman kami na makuha ang Evanescere. But Mathew mentioned na kukunin namin ito. Hinala niya kasi na inilipat lang iyon ni Arcedes dahil hindi naman nila kailangan iyon. ‘Di nila ito magagamit kasi hindi naman sila ang akhazels.

“Paano naman natin matutunton ang Evanscere? Malawak ang Chimera, he can put it anywhere. And that’ll take us forever.” Protesta ni Wayne. May punto naman siya. Masyado ngang malawak ang Chimera, and searching the whole realm will take a year or so.

“Fenrir, I mean Torin, had a keen sense of smell. Pwede niyang I-trace si Arcedes through his scent.” Suhestiyon ni Leo na nakaupo na tila isang karaniwang pusa.

“Then, we’ll leave tomorrow. The Purifier and Condemnare can wait. We have to retrieve the Evanescere first.” Mathew declared na siyang sinang-ayunan namin.

“Ilang araw na tayong nandito, kumusta na kaya sina Madame Blair?” bulalas ko habang nakatingin sa hawak kong mansanas.

“Let’s call them. Kailangan ko ding magreport sa kanya.” Mathew mentioned at saka kumuha ng kung ano sa bag niya. Nang ilabas niya ito, doon ko napagtanto na codex pala ito. He grabbed something again in his bag which I thought a device of something. It’s black and round.

He placed the round black thingy on the floor, kasabay ang paglitaw ng isang holographic projection ng codex niya. Lumubas mula sa hologram ang CPA logo, then ang mukha ng isang babae. She looked agitated but then instantly felt relieved nang makita niya kami.

"Mathew! Thank goodness you've called," nag-aalalang bati ni Miss Blair sa amin. Rinig namin ang mga nagsisigawang tao sa likod niya na tila nag-uutos ng mga procedures or protocols. Everything was seemed busy behind her, but her gorgeous face masked all of it. "Earth is in great trouble, half of the Earth was now covered by the red fog, and lots of people were petrified. If this continues they will die.” She informed na siyang ikinabahala namin.

Half of the Earth? Ni hindi ko nga halos maimagine kung Pilipinas lang. Sigurado akong bilyon-bilyong tao ngayon ang nagdurusa sa sakuna na ito. Some of them were probably dead by now.

"Then, why didn't you call us sooner?" Mathew inquired but Miss Blair shook her head.

"We tried but the smoke seemed to block our transmission. Only you, can call us,” pagpapaliwanag ni Miss Blair. “By the way, how's the mission?" she inquired.

"Nakuha na namin ang Annhilatus at ang dalawang pang guardian.” Mathew foretold.

"Why only one, if you’d already acquired the two other guardians?" nalilitong tanong ni Miss Blair. Napabuntong-hininga si Mathew at saka dahan-dahang kinuwento ang nangyari.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon