CHAPTER THIRTY: CONDEMNARE: TO CONDEMN

33 2 1
                                    

CHAPTER THIRTY

Condemnare: to condemn

***

Audrey

Waking up in a bed as soft as this, was sure the best. Ever since we arrived in this world, ito yung kauna-unahang tulog namin na ‘di kailanman matutumbasan ang sarap. Kaya agad kong minulat ang mata ko, para alamin kung nananaginip na naman ba ako o hindi. Pero nang makita ko ang parehong kisame na nakita ko kagabi bago matulog, sigurado akong totoo ito.

Saka ko naalala ang ginawa namin kagabi. Naglaro kami, nagpakabaliw, at nagpakasaya at hindi inalintana ang parating na digmaan. Kung tutuusin, derserved namin yun. After what we did — traveled immeasurable distance, saved the Aqueldore from the flames of a bogey, brought back Leo from the control of a humanoid, fought Arcedes, and fought the octopus monster. Wala namang masama kung magsasaya kami paminsan-minsan ‘di ba? We were all scared and anxious, at ayokong iyon nalang palagi ang maramdaman namin. I wanted to feel being happy again. Yung tipong wala kang pinoproblema na laban o kamatayan. At naramdaman ko nga iyon kagabi. Those were not probably my best night ever I had in my entire life, but it was the best night ever here in Chimera.

Nadisturbo ako sa pagmuni-muni nang umalingawngaw mula sa pinto ang tatlong magkakasunod na katok. It probably the boys. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko at pansin kong tulog pa sila Elsa at Zaylee, maliban kay Veana. The way her bed was fixed, sigurado akong gising na siya. She’s probably at the throne room, right now, or somewhere.

Agad akong bumaba sa kama ko at saka inayos ang sarili. Mas mabuti na yung handa, kesa magmukha tayong pangit sa harap ng kung sino man ang nasa likod ng pinto na iyon. Pansin kong wala na ang mga kalat na tinulugan namin kagabi. Mukhang nilinis ni Veana ang mga ito.

Mabilis kong tinungo ang pinto at pinagbuksan ang taong nasa likod nito. And to my surprise, I saw Mathew’s godly looking face. He flashed a smile at me, pero hindi ko nagawang ngumiti pabalik. I was too preoccupied by him.

"Tulala ka na naman." Biglang sabi niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagtitig sa mukha niya. God! Even his breath was good!

I smiled, realizing that I did stared at him for a while. "Sorry." Pagpapaumanhin ko na siyang nagpangiti sa kanya.

“Oo nga pala, kailangan nating mag-meeting. I’ll meet you at the dining hall.” Pagbibigay-alam niya na siyang tinanguan ko. Mathew flashed once last smile, na ngayon ay tinugunan ko na ng ngiti. Then, he strode off towards the direction where the dining hall was located.

Agad kong ginising ang dalawa na agad namang napatayo. Mabuti nalang at mabilis silang gisingin, hindi katulad kina Eliott at Wayne na halos buhusan ko na ng tubig para lang magising. Sinabi ko sa dalawa ang naging pahayag ni Mathew na agad naman nilang tinanguan. Each of us fixed ourselves, hanggang sa tuluyan na nga kaming nakalabas sa kwarto.

Tinungo namin ang dining hall, at nang marating namin ito, bumulaga na naman sa amin ang mesang puno ng pagkain — breakfast foods. Pancakes, eggs, toasts, bacons, at iba pang pagkain na pang-almusal.

As usual, naunang kumain ang mga guardians na ‘di ko napansin na nauna din palang nagising sa amin. Veana was in her usual seat, at gayundin ang tatlong boys. All of them were munching, except for Veana, na tila hinintay kaming tatlo para sabayang kumain.

Kung kahapon ay umupo ako dalawang upuan ang layo mula kay Veana, ngayon ay umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa kanya. Zaylee and Elsa did the same na siyang ikinataka ng mga boys.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon