CHAPTER TWENTY-EIGHT
Purifier: to Purify
***
Audrey
I still can’t believe that Mathew just confessed his feelings to me last night. He even asked me kung pwede ba siyang manligaw? Ito namang si Manang Audrey niyo na marupok, pinayagan ang binata. Wala namang mali doon. Siya na mismo nagsabi na kunti nalang ang natitirang araw namin — kung sakaling matutuloy nga ang pangitain na iyon —, kaya pumayag na ako na ligawan niya ako. Besides, ayoko namang tanggihan siya, lalo na’t crush ko na mismo ang nangliligaw.
“Mukhang maganda ang tulog mo, ah.” Asar sa akin ni Elsa habang nililigpit ang hinigaan niya sa bag niya. Nagtaka nga ako kung bakit nagawa naming makipaglaban habang dala-dala ang mga bag na ‘to. Sa tuwing naglalaban kasi kami, feeling ko wala akong bag na dala. Ito siguro yung sinasabi nila na adrenaline rush.
I smiled at her. “Bawal bang gumising na nakangiti?” palusot ko na siyang bahagyang nagpatawa sa kanya. Then, bigla kong naalala ang napanaginipan ko. Bakit ako nagkaroon ng panaginip kung nasa panaginip na ako?
Nakatayo ako nun sa tubig. Alam kong tubig iyon pero hindi ito naglalabas ng mga alon. Not even a ripple. The whole plane was just made of water as a surface. Walang puno, walang lupa, at tanging ako lang ang nakatayo doon. Akala ko nga nasa subconscious realm ako, kung saan nakilala ko si Aqi at si Aera, pero hindi pala kasi hindi sila nagpakita sa akin. Tapos, biglang nalang naging kulay dugo ang tubig na kinatatayuan ko. Kumalat ito hanggang sa naging kulay dugo na ang lahat. I was scared that time. Lalo na’t wala akong kasama.
Then, few paces away from me, emerged from the bloody water, a girl. Kung tatansyahin ang edad niya, nasa range ng 10-13. Maganda, mahaba ang kanyang straight at nakadungay na buhok, maputi ang balat, at ramdam ko ang kaibitan niya. Pero ang nakakapagtaka, hindi balot ng dugo ang katawan niya, kahit na galing siya sa ilalim ng kulay dugong tubig. I was about to ask her that moment, pero napatigil ako nang biglang mag-iba ang anyo niya — from a girl to a boy. At gulat ako nang mamukhaan ko siya bilang si Deros. Pagkatapos, bigla nalang nagsilabasan sa mata, ilong, bibig, at tainga niya ang dugo. As if, I was watching a 3D horror movie that time. Of course kinilabutan ako. Hanggang sa bigla nalang siyang sumigaw, na siyang dahilan ng pagising ko.
It was both weird and creepy. Weird kasi nagkaroon ako ng panaginip, at saka creepy dahil sa nangyari sa bata. ‘Di rin ako sigurado kung bangungot ba iyon o hindi. Maybe I should ask Mathew about it.
Kakalabas lang namin sa gubat. The three guardians were walking ahead of us, habang kami naman ay nakasunod sa kanya. We don’t need the map since, Torin can bring us there. It was his piece after all — na iniwan niya kasi nga bored siya. It was a stupid reason, but an acceptable one. Sino ba kasing hindi mayayamot kung ilang siglo kang nakatambay sa iisang lugar, walang makakausap, at walang mapaglilibangan. Kung ako ang nasa lugar niya, I might do the same. Boredom was something easy to defeat, but came with great consequences.
"Hey." Biglang bati ni Mathew nang mapunta siya sa gilid ko.
“Hey.”
“Something’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.
“Yeah.” Tapat kong sagot.
“What is it?”
“Nanaginip kasi ako —”
“Wait. You dreamt?” nagtatakang singit na tanong ni Mathew, na siyang pumutol sa akin.
“I don’t know what that was, pero parang panaginip kasi.”
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...