CHAPTER THIRTY-FOUR
The Bogey King’s Birthday
***
Audrey
Abala ang lahat sa paghahanda. Alas-syete palang ng umaga — Chimerean Time — pero naghahanda na kaming lahat. Suot-suot namin ngayon ang mga baluti na gawa ni Akibara. Makapal ito pero kamangha-mangha ang gaan nito. Feeling nga namin, wala kaming sinuot.
Hindi naman nito binalot ng buo ang katawan namin. Pinoprotektahan lang nito ang vital spots namin katulad ng dibdib, braso, siko, tuhod at ilan pang parte. Ang mga hindi nasali, ay balot naman ng isang espesyal na itim na tela, na in-embed ni Akibara ng magic niya. Ayon sa kanya, kasintibay daw nito ng metal, kaya hindi ito agad natatastas.
Aside from Akibara’s armor, binalutan naman kami ni Zaylee ng isang protective enchanments. Katulad nito, nung spell na ginamit ni Zaylee kay Rabey. Pero hindi raw siya sigurado kung mapipigilan nito ang magic ni Deros. Pero nagpasalamat pa rin kami. At least safe kami mula sa mga bogeys.
Speaking of Rabey, gulat kami nang dumating siya. Elsa was pleased to see him again, at siyempre kami din. Ganoon din ang saya na naramdaman ng uso nang muli niya kaming makita. Hindi nga namin inakala na magkakilala pala sila ni Akibara. Nang tanungin namin siya kung bakit siya naparito, nalaman naming gusto niyang tumulong.
We’re against it, of course. Kahit sa laki niya, bata pa rin siya. And we can’t let him fight sa edad niya. Pero nagpumilit siya. He stated na gusto niyang tapusin ang sinimulan ng papa niya, at gusto niyang ipaghiganti ito. Kaya Akibara made him an armor, as well. Alam niyo yung pelikula na The Golden Compass, yung polar bear na may armor. Kaparehong-kapareho nun ang suot ni Rabey. But he had this two medium-size laser cannons at his back na gawa ni Wayne, para pang-atake niya.
The guardians wore no armor. Sabi nila mas komportable silang lumaban kapag nakakagalaw sila ng maayos. Kaya hindi na nag-abala si Akibara na bigyan sila ng baluti.
Wayne activated the robots at saka dahan-dahang naglakad ilang metro mula sa puno. Nakaharap sila sa itim na ulap na ilang milya mula sa kinaroroonan namin. Ang lugar na pinamamahayan ng mga bogeys, ang Valden.
Our ultimate goal was to stop Deros, para matigil ang spell niya. Kasi kapag hindi, mabubuksan ang Gate of Hell at lalabas dito ang milyon-milyong demonyo na siyang maghahasik ng kasamaan sa buong Chimera at kalaunan, sa buong Earth.
Nagkaroon ulit kami ng pagpupulong para ibuod ang napag-usapang plano. Mabuti na rin ito kasi nandito si Rabey. At least alam niya kung saan siya papasok, at mukhang kasama siya nina Mathew at Zaylee na lalaban sa mga bogeys.
Veana looked glamorous in his pearl white armor. Naglalabas ito ng iridescent glow, as if the armor itself was magic. Sa kaliwang bewang naman niya, nakabitin ang isang sheath kung saan nakalagay ang espada niya. Nakalugay lang ang matuwid na buhok niya, na tila galing lang kaka-rebond. Just like her armor, makintab ito.
Akibara, and the rest of the guardians, jerked their heads and turned to face the direction where Valden was. Nakakunot ang noo nina Torin and Aurie, habang wala namang pinagbago sa mukha nina Leo at Drey. Sunod na napatingin si Veana, at ramdam ko ang pagkaseryoso niya. Kung ano man iyon, may naramdaman sila.
I was about to ask her kung ano ang problema pero gumulat sa amin ang biglang paglitaw ng isang malaking magic circle sa dambuhalang katawan ng Tree of Happiness. The circle was tinted in bloody red, reeking with immense demonic power. An inverted pentacle was on the center — symbolizing evil. Kahit tingnan mo lang ito, ramdam mo ang nagbabadyang panganib na nilalabas nito. Kung hindi ako nagkakamali, it’s Deros’ spell.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...