CHAPTER FIVE: ACQUIRED ABILITY

88 3 0
                                    

CHAPTER FIVE

Acquired Ability

***

Audrey

Nasa isang kwarto kami ngayon na may nakahelerang kama sa magkabilang gilid. Kung tatansyahin, kasindami nito ang dami naming mga neophytes. May mga nurses din na nakatayong naghihintay sa bawat kama, implying that they will assist each and every one of us sa procedure na 'to kung ano man ito. Pansin kong puro babaeng nurse ang nakatayo sa kanan na mga kama, habang lalaki naman sa kaliwa.

Narinig kong nagsimula nang magbulungan ang ibang neophytes, na tila pinag-uusapan kung para saan ba ang mga kamang iyan at kung ano ang gagawin sa kanila. As for us four,  nagkatinginan lang kami.

"Ano ba ang ginagawa natin dito? Bakit may mga kama diyan? Naalala ko tuloy yung movie na pinanood natin." Pag-alala ni Elsa. May pinanood kasi kaming movie tungkol sa isang science experiment na pumalya at ikinamatay ng lahat ng mga samples.

"Sa tingin ko ganun din ang gagawin nila sa atin." Pananakot ni Wayne dahilan para makatanggap siya ng hampas mula sa akin.

Napayakap naman sa kamay ko si Elsa at kita sa mukha niya ang takot. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binatukan na din si Wayne.

"Ang sakit nun ah!" reklamo niya habang himas-himas ang batok niya.

"Malamang, binatukan kita. At saka wag mo kasing tatakutin 'tong si Elsa." Sambit pero dinilaan lang ako ng gago. Well, dinilaan ko din siya.

Napatingin  kaming lahat sa pinto sa dulo ng kwarto nang bigla itong bumukas. Lumabas mula rito si Miss Blair na suot pa rin ang parehong pormahan niya kahapon, kaso pink na ang kulay nito.

"Hello, Neophytes! 1 hour left and you'll be acquiring your abilities. Since this is your first time, we should consider your safety," she informed that erupted into murmurs and wonders. "May I call Audrey Lefevre, Elsa Verdier, Eliott Renard and Wayne Ventris to come forward please." Tawag niya sa aming apat, dahilan para magkatinginan kami.

Dahan-dahan kaming naglakad papuntang harap, at pansin kong lahat ng neophytes ay nakatitig na sa amin. Yung iba naman ay nagbubulungan tila tinatanong kung bakit kami tinawag ng mismong director. Nang marating namin ang harapan, nakita kong ngumiti si Miss Blair sa amin.

"How are you?" biglang tanong niya habang nilalabas ang matamis niyang ngiti.

"Okey naman po. Medyo nag-aadjust pa po." Tapat at nag-aalangan kong tugon.

"Good," she commented. "Follow me." Utos niya at saka naglakad pabalik sa pinto na dinaanan niya kanina. Nagkatinginan na naman kaming apat at nagpalitan ng nagtatakang mukha. Pero kalaunan, sumunod din kami sa kanya.

"Please assist the remaining neophytes." Utos niya sa mga nurses bago pa siyang makaalis sa sa kwarto. Agad nagsikilos ang mga ito, at kumuha ng kani-kanilang neophyte.

Nang marating namin ang pinto, Miss Blair swung it opened and gestured us to come in. We entered the room and we saw four beds na may kanya kanyang mga mala-TV na mga monitor.

"Sit," utos niya na agad naman naming sinunod. Isa-isa naming tinungong apat ang apat na kama at umupo dito. Pansin kong may kanya-kanya din kaming mga nurses kagaya nung iba. "Unlike others, your abilities came from your parents. And supposedly, you can only acquired these abilities when your body reached its full maturity. However, due to the incident, the energy surge from the CX-2000 shorten the processes." Pagpapaliwanag niya sa aming apat.

"Ibig sabihin galing sa mga magulang namin ang ability namin, at makukuha lang ito pag mag-18 na kami, pero dahil sa pagsabog pina-ikli nito ang proseso?" pag-uulit ni Wayne na isinalin lang naman sa Filipino ang sinabi ni Miss Blair.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon