CHAPTER THIRTY-THREE: THE TRUTHS OF THE LAST NIGHT

39 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

The Truths of the Last Night

***

Audrey

If I were to describe what we’re feeling right now, that would exhausted, tired, and drained. Pagkatapos ng ginawa naming pagsasanay at simulation, nararapat lang sa amin ang isang maganda at mataas na pahinga.

Pero nag-alala ako para bukas. Kung kahit sa simpleng pagsasanay at simulation lang ay halos mawalan na kami ng lakas, paano nalang kaya bukas? I’m sure na mas malala pa dito ang mararanasan namin. Kung tatansyahin, baka ‘di kami aabot sa dalawa o tatlong oras.

Pero hindi rin naming maipagkakaila na marami kaming natutunan mula sa turo nina Veana at Akibara. Natutunan kong gumawa ng vacuum space na katulad sa outer space, ang pressurize sphere na kasinlakas ng isang granada, at kumuha ng tubig mula sa atmosphere. And thanks to Veana, at mas nahasa ang galing ko sa paggamit ng cryosword. Hindi nga namin inakala na swordmaster pala ang prinsesa.

As for Elsa, unti-unti na siyang nasasanay sa paggamit ng mga skills ng mga hayop. Nakakatakbo na siya nang hindi nadadapa at kung ano-ano pa. Pinag-aralan din niya ang librong ibinigay sa kanya ng magulang niya para daw may magamit siya sa laban. Like the four of us, sinanay din siya ng prinsesa kung paano gamitin ang espada. At hindi lang iyon, Mathew also taught her how to use guns, as well. At nang magawa niyang I-bullseye ang target niya kanina, Wayne rewarded her with a freshly made gun.

Speaking of Wayne, Akibara taught him how to manage his energy output kapag gumagawa siya ng mga gadgets. At nang mamaster niya ito, nagsimula na siyang gumawa ng humanoid A.I. robots. Since humanoid ang mga ito, siyempre kasinlaki lang namin ito. Pero may ginawa siya na mas malaki ng kunti. Ewan ko kung bakit isa lang ang ginawa niya. Pero ‘di bale, at least may 50 na ka-A.I. robots ang nakapending sa harap ng puno.

Meanwhile, Eliott learned less than us. Since alam na niya kung paano mag-summon ng higit pa sa isa, wala nang mas naituro pa sa kanya si Akibara. Ang tanging naiambag lang ng matanda ay kung paano panatilihin at palakasin ang isang nilalang na isu-summon niya.

Ganun din ang nangyari kay Mathew, pero nakatuon sa precognitive ability ang sa kanya. Sinabi din ni Mathew ang pangitaing nakita niya, pero hindi naniwala sa kanya ang matanda. Pahayag kasi ni Akibara na ang nakita ay isang manipestasyon ng kanyang takot, kaya nakita niya ito. Pero binalaan siya ng matanda na posible itong mangyari, lalo na kung hindi namin seseryusuhin ang laban.

Lahat ng iyan nangyari sa isang araw. It may seemed impossible, pero nagawa namin itong lahat. Hindi nga namin inakala na makukuha agad namin ang mga itinuro nila sa kunting panahon lang. Nung unang tatlong buwan kasi namin sa CPA, ay halos abutin kami ng dalawang linggo para lang makuha at matutunan ang isang technique. Pero ngayon, kalahating oras lang, kuha na namin ito. Probably because we were determined na manalo?

I mastered the vacuum and the pressurized sphere, Elsa was practicing being an animal. Wayne was making A.I. robot to fight along with us. At tancha ko na, he already build 100 of them. Buti nalang may sapat na lugar dito para ilagay sila.

Minuto-minuto rin naming tinatawagan sina Miss Blair, for updates. According to them, aabutin raw ng isa o dalawang araw bago maayos ang CTD, kaya baka mapapasabak kami bukas sa laban nang wala sila. Di bale we had two strong people here, at saka may dragon din kami. Sino pa ba ang mas lalakas pa sa dragon? Right. Si Deros nga pala. Pero may lamang naman kami di ba? Please, sabihin niyo na may lamang kami.

Sparks of embers flew as the flame from the bonfire, danced along with the cool night breeze. The night was silent and darkness surrounded us. We decided na I-enjoy ang huling gabi namin. Dahil bukas, mangyayari na ang pinakahinihintay naming digmaan. Kung wala lang sanang gulo, baka inakala kong isang camping trip lang ito.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon