CHAPTER TWENTY-FOUR
Under Control
***
Audrey
It’s more, than meets the eye. Yan ang katagang makakapagsabi sa pagkamangaha namin ngayon. The chamber we thought earlier na maliit ay isa palang dambuhalang kwarto. Like those tents on Harry Potter movie in the Goblet of Fire. It seemed like this chamber was casted by a “capacious extremis”’s spell.
“Sa tingin niyo may mga patibong dito, like those on movies?” nag-aalalang sabi ni Elsa hakbang yakap-yakap si Torin.
“Most likely,” tugon ni Zaylee. “Lalo na kung may nakatagong importante sa loob nito.” Dugtong niya na sinang-ayunan namin.
“Then, this is too risky,” puna ni Wayne na may ibong nakaupo sa ulo niya. “Anytime pwede tayong mamatay!” bulong na sigaw niya.
“I tried predicting that possibility, pero wala akong nakikitang delikado.” biglang sabi ni Mathew na ikinagaan ng loob namin. “But still, be vigilant. Something’s not right here, gaya ng sabi niyo.” Paalala niya na muling ikinabahala namin.
“Now that’s the real threat.” Puna ni Wayne.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pansin ko ang mga ancient carvings on the wall, narrating the history behind this temple. I can’t seemed to understand the whole story of the illustrations pero may naiintindihan ako nang kunti. Pero ‘di ako sure kung iyon ba talaga ang interpretation nun. I’m not an archeologists who can decrypt ancient scriptures and symbols to unravel hidden secrets and mystery that’ll explain the very existence of such thing.
So, imbis na sayangin ang oras kakaintindi sa mga larawan, ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa mga estatuwa na nasa bawat gilid namin. Pare-pareho lang naman silang lahat. No distinct differences na makakapagsabi na magkakaiba sila. In short, boring silang tingnan. So, I shifted my attention, again, and this time, sa mga columns naman. May pagkaromano ang mga pillars nito, katulad nung sa Parthenon.
“Stop.” Utos ni Mathew na siyang ikinahinto namin. Mathew was staring at the floor, as if he was trying to feel or hear something. Ginaya namin siya at nakiramdam din. Total silence filled the corridors as we felt kung ano man iyon. “Watch ou —”
‘Di na natuloy ni Mathew ang pahayag niya nang biglang maglaho ang sahig na tinatapakan namin. Then, unknown tentacle grabbed my right foot and dragged me into one of the giant pipes. I slid, as I fell into the unknown. ‘Di ko alam kung ano ang babagsakan ko kaya tanging magawa ko lang ay magdasal sa nalalapit kong kamatayan.
Then, I saw below me, a faint light na galing sa isang kwarto. Sana man lang walang naghihintay na mga ahas doon, o mga matutulis na spikes, or worse, lava. Imagining those things made me screamed for help. Napapikit nalang ako nang marating ko ang nasabing liwanag.
I waited for myself to hit on something na ikakamatay ko pero ramdam kong hindi na ako bumabagsak. I opened one of my eyes first at nalaman kong nakaupo na pala ako sa sahig ng isang kwarto. I looked behind me at pansin ko ang dahan-dahang pagkawala ng butas na nilabasan ko.
“Audrey!” tawag sakin ng isang boses na siyang ikinagulat ko. Nang tingnan ko ito, laking pasasalamat ko nang makita ko si Mathew na papunta sa akin. He had this worried look plastered on his face. “Are you okay?” tanong niya nang mapaluhod siya para pantayan ako.
I nodded. “I’m fine.”
Tumayo ako at saka si Mathew din. Nilinis ko ang puwet ko at saka tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Mali pala ako, this was not a room. This was death! No doors, or windows! If we stayed here long, mauubusan kami ng hangin. If that happened, Mathew would CPR me and that would be… romantic — maliban nalang kung siya ang unang mahihimatay.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...