CHAPTER FOUR: FIRST DAY OF CLASS

101 4 0
                                    

CHAPTER FOUR

First Day of Class

***

Audrey

It‘s 4:30 in the morning nang magising ako. It’s my body clock at kapag gising na ang katawan ko, hindi na ako nakakatulog ulit. Pansin kong gising na din si Elsa nang makita ko siyang dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga.

"Ay! kabayo!” Elsa exclaimed the moment she saw me. Elsa rubbed her eyes trying to clear her vision then looked back at me. “Audrey?" tawag niya.

"Oo, bakit? Bakit gulat na gulat ka?" tanong ko habang nakataas ang dalawa kong kilay.

"Hays, akala ko multo." Tugon niya.

"Sa ganda kong ‘to?" tanong ko habang nagpapaganda sa kanya.

"Ilusyunada!" biglang sigaw ni Wayne.

"Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung ganyan kagulo ang buhok mo?" pagpupunto ni Elsa.

Napatingala ako at napahawak na rin sa ulo ko. Tama nga sila, para talaga akong multo dahil sa buhaghag kong buhok.

"Teka, ba’t ang aga mong gumising? Binangungot ka ba? ‘Di ka ba komportable sa higaan mo?" sunod-sunod na tanong ni Elsa habang nililigpit ang kama niya.

"Anong ‘di komportable, eh ang lambot kaya ng kama. Hindi niyo lang talaga alam na ganitong oras ako gumigising." sagot ko habang inaayos buhok ko.

"Sabagay." Eliott agreed at saka tumayo at nagstretching.

Napansin ko si Wayne sa napaupo at napasandal sa headrest ng kama.

"Ikaw Wayne? Ba’t ang aga mong gumising?" tanong ko.

"Oo nga, mas nagtataka ako sayo." Sang-ayon ni Elsa.

"Sisihin niyo yang ilusyunada na iyan." Naiinis na sagot ni Wayne.

"Huhuhu, Waynie-patutchi don’t like Little Audrey pretty." Asar ko habang nagpapacute sa kanya.

"Hayss, panira ng gising." Puna niya, na siyang ikinainis ko.

"Ikaw kaya tong nagsimula!" depensa ko habang pinanlalakihan siya ng mata.

"Tumigil nga kayo! Ang aga-aga, ang iingay niyo!" Pigil ni Eliott.

Dinilaan ko nalang si Wayne na akto namang babatuhin ako ng unan. Tumayo ako at pilit na ‘wag pansinin ang gung-gung na yun. Tinungo ko ang info. screen para umorder ng kape.

"Gusto niyong mag-kape?” tanong ko sa kanila habang pinipindot ang screen.

"Cappucino." tugon ni Wayne, na agad kong inirapan. Siya pa talaga unang nagsalita.

"Just milk." sabi naman ni Elsa.

"Chocolate, please." Sigaw ni Eliott na nasa banyo na.

Isa-isa kong pinindot ang mga order nila at aktong magpe-placed order na sana ako nang malaman kong hindi ko pa pala nasasali yung order ko. I tapped on the regular coffee option, and then pressed the “place order” button.

Habang naghihintay, tinulungan ko muna si Elsa sa mga lulutuin. Hiwa dito, hiwa doon, hanggang sa tumunog ang doorbell.

"Buksan mo na, baka yung kape na natin yan." Utos sakin ni Wayne.

"Heh! Demanding!" galit kong tugon, sabay hampas sa kutsilyo.

Agad kong tinungo ang pinto at binuksan ito. Nagulat nalang ako nang sumalubong sa akin ang isang robot. Ilang sandali lang at bumukas yung katawan niya at lumabas mula rito ang mga kape namin. Agad kong kinuha ang mga ito bago niya pa bawiin ito. Syempre ‘di ako nahirapan kasi nakalagay naman sila sa tray.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon