CHAPTER TEN
The Ghost’s Mystery
***
Audrey
Nagising ako sa ‘di malaman na dahilan, I looked at my watch and it’s only 3:03 in the morning. Hindi na rin ako makatulog ulit kaya bumangon nalang ako sa kama at nagtungo sa kusina. Habang hinuhugusan ko ang kaldero ng rice cooker, I noticed a fade white light walked behind me, again.
I quickly took a glance to it and I caught a white glowing light walking towards the hallway of the bedrooms. With my curiosity, sinundan ko ito. When I reached the hallway, I saw a woman’s figure floating in the air glowing with white light. A ghost, for short.
Hindi na ako nagulat kasi ilang beses na akong nakakakita ng mga katulad niya. Ewan kung may third eye ako, basta nakikita ko nalang sila. Nagsimula ata ‘to nung 5 years old pa ako. Kaya tiningnan ko nalang siya na para bang nakatingin sa isang buhay at normal na tao. She had this smile in her face but her eyes showed the opposite. ‘Di nagtagal ay napansin kong unti-unti siyang naglaho hanggang sa hindi ko na siya makita.
Bumalik ako sa lababo para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Bakas sa mukha ko ang pagtataka kung bakit siya nagpakita sa akin. When I’m finished putting the pot into the rice cooker, I lounged myself on one of the chair in the table and started to wonder again.
Pumatak ang alas-singko ng umaga pero nandito pa rin ako sa may mesa ng kusina at nakatulalang nakatitig sa lababo na hindi ko naman alam kung bakit ko ito tinititigan. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang multong nagpakita sa akin kanina. Ayon sa naresearch ko noon, one of the reason kung bakit nagpapakita sila dahil sa may kailangan ito sa iyo o ikaw ang kailangan niya. Maaaring tulong o kung ano.
"Audrey?"
Namomroblema na nga ako sa sitwasyon namin ngayon, dumagdag pa ‘to. Kung ano man ang kailangan niya, dapat sabihin na niya agad para matapos na ‘to. ‘Di naman pwedeng balewalain ko nalang siya.
"Audrey!" malakas na sigaw ni Elsa dahilan para mapatalon ako sa gulat at mapatingin sa kanya?
"Ano?"
"Ano bang nangyayari sayo?" nakakunot-noo niyang tanong. She grabbed a cup from the cupboard at saka ito nilagyan ng tubig para inumin.
"Nothing." I replied as I shook my head. Napahilamos ako ng mukha nang maramdaman ko ang pagod dulot ng sobrang pag-iisip sa multong iyon.
"You can tell me Audrey." She insisted at saka umupo sa harap ko. She flashed a smile telling that she’s willing to hear my story.
"Matatakot ka lang." Sabi ko at saka naglabas ng mahinang tawa.
"May kinalaman ba ‘to sa mga multo?" pagkokompirma niya na siyang ikinagulat ko. Tumango nalang ako bilang sagot, since nalaman naman niya ang tungkol dito.
"Okey lang, Audrey." Sambit niya. Talaga lang Elsa ha?
Last time na nagkuwentuhan kami tungkol sa mga ganitong bagay, buong gabi siyang hindi nakatulog. Ghosts were one of her weaknesses, at one of her greatest fear.
"O...kay...,” sambit ko at saka umayos ng upo. “Ganito kasi yun, so kanina may nagpakita sa akin na multo. Babae siya at nakasuot ng puting labcoat. I think she want to tell me something.” Kuwento ko sa kanya.
"Hehehehe, si...si...siguro ma..mas ma...mabu...mabuting, ha..haya..an nalang na..tin..siya." nauutal niyang sabi at pansin ko ang nanginginig niyang katawan.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...