CHAPTER 14: TRIP ON AN ISLAND

49 1 0
                                    

EDITED

Its 8:00 in the morning. Nagiimpake kami ngayon for a trip. Yes, binigyan kami ni Miss Blair ng one week break sa klase at training namin. Its been 3 months na rin ang lumipas at wala naman masyadong nangyari pagkatapos nung nagwala si Torin. Nagtraining at nagklase lang naman kami for three months, and I think its half way through para sa examination.

While I'm busy packing my things, si Elsa naman masayang naglalaro kay Torin. Nalaman naming sa Chimera nga nanggaling si Torin ang he is one of the Guardian of the Akhazels. Yup, you heard it right, "ONE of the Guardian" ibig sabihin may iba pa, actually tatlo nalang yung hindi namin nakikita.

"Audrey! Ready ka na ba?!"

Sigaw ni Wayne sa labas ng kwarto.

"Almost! Elsa, mauna na kayo ni Torin sa labas, susunod nalang ako."

"Okey, come on Tor!"

Tumayo siya at kinuha ang bag at lumabas sa kwarto, sumunod naman si Torin na tila excited ring mamasyal.

Ilang minutong pag-iimpake at natapos rin ako. Kinuha ko ang bag at saka lumabas sa kwarto. Nang marating ko ang living room, nakita kong handa na nga sila. Pinasama ni Miss Blair sa amin si Mathew, baka raw kasi may magtangkang manakit sa amin. Masyado raw kasi kaming P-R-E-C-I-O-U-S sa kanila.

Kaya naman naming protektahan ang sarili namin since we already trained. Pero sabi nga nila the more the merrier kaya di na kami nagreklamo.

"Wala pa ba si Mathew?"

"Wala pa."-Elsa.

Pumunta ako sa sofa para umupo, pero bago paman ako maka-upo biglang may nagdoorbel. At dahil ako ang malapit sa pinto, siyempre ako ang nagbukas. I opened the door and saw a handsome guy in a leather jacket and skinny jeans. What the! Ano ba pinagsasabi ko?

"Audrey? Yung laway mo."

Bulong ni Mathew sa akin. Napahawak naman ako sa bibig ko at confirmed, may tumulo nga. Ito na ang ikalawang pagkakataon na tumulo ang laway ko at sa harap pa mismo ng lalaking to. Arggggh! Nakakahiya!

"Sorry. Siya nga pala? Ano ba sasakyan natin? At saka saan ba tayo pupunta?"

"Isa-isa lang Audrey. Malalaman mo rin yan mamaya."

"Okey. Aalis na ba tayo?"-Elsa

"Yup."

"Hey guys, lets go!"

Dali-dali namang tumayo sina Wayne at agad kinuha ang bag. I shutted down the power source to save energy, at saka lumabas.

Papunta kami ngayon sa docking area at sa tingin ko maghohovercraft kami. Malayo siguro pupuntahan namin kaya hovercraft yung sasakyan namin.

After a minute, we reached the docking area. Mas maayos na siya ngayon, pati na rin ang mga nasirang hovercraft. But I noticed na nilagpasan lang namin ang mga hovercraft. Sa tingin ko mali ako ng hinala. We continue walking until we reached a white mini-van.

Just what I want it! Ito yung ideal trip vehicle ko! But how? Paano niya nalaman? Guess? He predicted it didn't he? Hayss..iba din pala tong mga divinators.

"Put your bags on the trunk."

Binuksan niya yung trunk at nilagay namin yung mga bag namin. Napansin kong may mga groceries na din dito. Handang-handa na pala kami para sa vacation namin.

Dali-dali naman akong pumunta sa passenger seat para umupo, sumunod na rin sina Elsa. Chineck muna ni Mathew ang mga gulong, ang gasolina, ang makina kung may sira ba, para tuloy-tuloy yung byahe.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon