CHAPTER SIX
The Symbol
***
Audrey
"Audrey! Gising na!" gising sa akin ni Elsa kasama ang ilang ingay na nililikha ng mga kaldero. She’s cooking something. I groaned as I stretched my body to remove its stiffness.
"Hmm? Anong oras na ba?" tanong ko habang kinakamot ang aking mata.
"5:00."
"What? Ba't di mo ako ginising agad?" I gasped matapos marinig ang sagot niya.
"Okay lang, kaka-announce lang na 9:00 pa ang klase, baka raw kasi may iba na pagod pa o nakakaramdam pa ng mga side effects,” pagpapaliwanag ni Elsa. “Ginising lang kita kasi tatanungin ko lang sana kung okey lang bang mag-order nalang ako ng pagkain." She pointed out. So she’s not cooking?
"Okay lang," sagot ko at saka tumayo na para ligpitin ang kama ko. “Akala ko nagluluto ka dahil sa ingay ng kaldero.” Hula ko.
“Hindi. Hinugasan ko lang yung mga hindi nahugasan na mga kaldero kagabi,” tugon niya "Pasensya at naisturbo kita.” Pagpapaumanhin niya.
"Okey lang." And flashed a smiled at her. I grabbed my comb at saka sinimulang suklayin ang buhok ko. Habang nagsusuklay, pansin kong wala na ang mga boys.
"Teka, nasaan nga pala ang dalawa?" tanong ko.
"Nasa gym." Sagot ni Elsa habang abalang pinipindot ang info. screen para mag-order ng almusal namin.
"Kanina pa ba sila nandoon?" tanong ko at saka tinungo ang kusina para uminom ng tubig.
"Mga 4:30 ata sila umalis dito,” she answered and walked towards the closet then grabbed a towel. “Maligo muna ako. Pakihintay sa inorder ha?" pabor niya at saka ako tumango bilang tugon.
Lumipas ang limang minuto at dumating nga ang pagkain namin na hinatid na naman ng isang robot. Pero medyo malaki ito ng kunti sa naunang robot dahil sa bitbit nitong sandamakmak na pagkain. Sakto namang lumabas si Elsa sa banyo habang nilalagay ko sa mesa ang mga pagkain.
"Dumating na pala." Sambit nito nang makita ang mga ito.
"Oo, bago lang."
Pumunta siya sa closet at kinuha ang uniform niya. Pero may napansin ako sa may bandang kanang-taas ng likod niya. A mark or something.
"Elsa, teka lang," pigil ko at saka agad lumapit sa kanya habang tinititigan ang marka, sinusubukang hindi mawala sa paningin ko. Nang makita ko ito nang malapitan, napagtanto kong isa pala itong simbolo. An ancient symbol na hindi ko alam kung ano o kung saan galing.
"Ano to?" I asked as I squinted my brows at it.
"Bakit anong nandyan?" tanong ni Elsa habang pinipilit na tinitingnan ito kahit alam niyang hindi naman niya ito makikita.
"Audrey!" biglang tawag sakin ng isang lalaki na nagpagulat sa akin. Napalingon kami ni Elsa sa pinto at nakita namin ang bagong dating na mga boys. They’re gasping for air na parang tumakbo sila papunta rito.
"Look!" Wayne blurted kasabay ang paghubad ng t-shirt niya.
Dahil sa gulat na baka maghubad siya sa harap namin, napaiwas ako ng tingin para hindi makita kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin. I took a glimpse at nalaman kong t-shirt lang pala ang hinubad niya. I faced him back and all my embarrassment disappeared when I saw the same symbol on Wayne’s back.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...