CHAPTER THIRTEEN: THE MOTHER OF THE WOLVES

43 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

The Mother of the Wolves

***

Audrey

Nandito pa rin kami ngayon sa living room at hinihintay ang sagot ni Mathew. Sila Elsa naman, nakatingin sa amin nang seryoso. Yumuko si Mathew na tila napagdesisyonang sabihin sa amin ang nangyayari. He let out a deep sigh at muling tumingin sa akin.

"Okay, it’s tr —"

Biglang siyang napahinto nang biglang may magbukas ng pinto. Pero paano? Tanging kami lang ang kayang magbukas niyan.

Ilang sandali, isang lalaking senior trooper ang pumasok. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala, pagod, at takot.

"Sir, F95 had escaped." He informed.

Mathew looked at me na tila sinasabi na ‘di pa namin malalaman sa ngayon ang tungkol sa sekreto nila. And I think, he's right. Bago lang kami dito, kaya wala kaming karapatan na maki-alam sa sekreto nila. Hindi rin tama na dahil sa Akhazels kami, may karapatan na kaming maki-alam. We have our own secrets that we should keep, for the benefit of others.

Tumango lang ako, tanda na maaari na siyang umalis. He just smiled and ran towards the door. Lumapit naman sa akin sina Elsa, na tila nagtataka sa ginawa ko.

"Bakit mo siya pinaalis? Hindi mo ba gustong malaman ang nangyayari ngayon?" nag-aalalang tanong ni Elsa.

"Malalaman din natin ang lahat sa tamang panahon. Mas nakabubuting hayaan muna natin sila. They are the experienced one, kaya alam nila ang ginagawa nila." Paliwanag ko.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Eliott.

Nagulat nalang kami nang biglang maging pula ang mga ilaw, notifying that something bad will happen. Nabasa ko ito sa codex, and this was one of the facility’s protocol.

"Masama to!" nag-aalalang puna ko, habang nakatingin sa pulang ilaw.

"What is it, Audrey?" nag-aalalang tanong ni Elsa.

"It’s one of the protocol of the facility. When the light turned red, the facility is in danger." pagbibigay-alam ko.

"Kanina pa nga may danger ‘di ba?" takang tanong ni Wayne.

"Not just an ordinary danger, but extreme danger. And forced evacuation is needed." I informed dahilan para mas mag-alala ang tatlo.

Rinig na namin ang nagtatakbuhang mga paa sa labas habang kami ay nakatayo lang sa living room ng aming kwarto.

"Attention! This is not a drill! All troopers, head to the evacuation chamber. Follow the blue light. I repeat, Follow the blue light.” anunsiyo ng isang babae mula sa speaker dahilan para magkatinginan kami.

Agad kaming lumabas sa kwarto at sinundan ang blue light papunta sa evacuation chamber, but Elsa suddenly stopped.

"Whats the matter, Elsa?" tanong ko na nagpatigil sa pagtakbo ng dalawang lalaki.

"I felt someone needs my help." Sambit niya. She’s staring at the floor with squinted brows, na tila may pinapakiramdaman siyang kung ano.

"Ano ba pinagsasabi mo? Tara na!" paanyaya sa kanya ni Eliott.

"No! I need to help him."

Nagulat kami nang makita namin siyang tumakbo papunta sa kabilang direksiyon na tinuturo ng blue light.

"Elsa! Saan ka ba pupunta?!" tawag ko sa kanya.

Hinabol ko siya gayundin sina Wayne. Saan ba kasi siya pupunta? Sino ba ang tinutukoy niyang nangangailangan ng tulong?

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon