CHAPTER THREE
Inside the Facility
***
Audrey
Kakalabas lang namin sa dome at pupuntahan na namin ang mga importanteng lugar dito sa loob ng facility. Una naming pinuntahan ang classroom namin, na para lang isang ordinaryong classroom. However, ang mga mesa was made of LED screen, at touch screen pa ang mga ito. Instead na whiteboard, ay isang LED screen and nandito na kasinlaki ng board.
Pangalawa naming pinuntahan ang paborito ng lahat, ang cafeteria. Maraming upuan at mesa dito as usual, malamang doon kami kakain. Ang kaibahan lang ay may malaking vending machine dito na nakatayo sa center ng cafeteria. Each side ay nago-offer ng variety of foods. May side para sa main dish, meron din sa mga drinks which included alcoholic beverages — pero yung mga qualified troopers lang ang makaka-avail —, meron ding deserts at ang panghuli ay para sa mga ready to eat na mga pagkain like cup noodles, chips, snacks at iba pa. Mukhang meron na namang magpabalik-balik dito.
"Mapapadalas ata bisita ko dito." Sambit ni Eliott. Kitams?Alam na alam ko kasi na puro pagkain lang nasa utak niyan. Isali mo pa si Wayne na segu-segundo, gutom.
Sunod na pinuntahan namin ang mga laboratory. Dito ginagawa ang mga expirements, researches, pati na rin ang paggawa ng mga bagong weapons. Mas high-tech nga lang ito kesa sa school namin.
Next ay ang library. As expected, malaki ang library nila, kaya lang nakakapanghinayang ang salamin na nakaharang sa mga bookshelves. Like how are we supposed to get the books kung may nakaharang na salamin? Is this the reason kung bakit wala masyadong tao dito ngayon?
"Paano namin mababasa ang mga libro kung may nakaharang na malaking salamin dito?" tanong ni Elsa. Napangiti si Mathew na siya namang ipinagtataka namin.
"Here, let me show you." Paanyaya niya.
Lumapit siya sa may salamin kung saan mayroong butas na tamang-tama lang na magkakasya ang libro. Napansin ko sa right side ng butas ay isang screen. He tapped the glass and a list of letter from a to z appeared. He tapped letter “a” and a list of book names appeared arranged alphabetically. He pressed a book at bigla nalang nagmaterialize sa may butas ang isang libro. When the materialization stopped, kinuha niya ito.
"Cool! May mga novel po ba rito?" tanong ni Eliott.
"Alam ko hinahanap mo, Eliott!" tugon ni Elsa habang nakatingin kay Eliott na nakataas ang isang kilay.
"This library has everything." Mathew informed.
"Haha! Babalikan kita!" galak na sabi ni Eliott na siyang inirapan ni Elsa.
"Alam ko namang hindi mo yun makukuha kasi pipigilan ka ni Elsa." Biglang sabi ni Mathew na ikinakunot ng noo ni Eliott.
"Paano naman po kayo nakakasiguro?" tanong ni Eliott.
"I can predict the future, that’s why." Sagot nito.
Napa-woah nalang kami ng marinig namin ang sinabi niya. Pero kung kaya nga niyang i-predict ang future, dapat alam na niya kung paano tatalunin ang mga bogey o ‘di kaya kung sino ang mananalo sa labanan? Hays, wag mo na ngang dagdagan ang mga tanong mo, Audrey.
Lumabas na kami sa library at tinungo ang gym. Kalahati ng dome and laki nito at nahahati ito sa dalawa. Ang Training Area at ang Equipment and Machine Area.
Sa training area, dito nag-iinsayo ang mga troopers gamit ang mga abilities nila. May anim na room dito at puro gawa sa matibay na salamin that even a bullet can't penetrate. Since gawa sa salamin makikita mo kung sino ang nag-iinsayo sa loob. But only physical attribute abilities lang ang pwedeng gumamit nito, yung iba na walang physical attribute na mga trooper ay sa mga weapon sila iniinsayo, katulad kay Mathew. Since di naman pisikalan ang ability niya, nakatuon sa weapon ang training niya.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...