CHAPTER NINETEEN
The Start of the End
***
Audrey
Sleeping in a tree house made by pure roots was such a delightful experience. Gigisingin ka ng mga huni ng mga ibon, mga hampas ng dahon sa bawat puno at halaman dahil sa hangin, at ilang mga ingay ng nag-uusap na mga fairies.
Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at bumulaga sa akin ang kisame na puno ng nagliliwanag na mga mushrooms. Walang gana akong napaupo habang hinihilamos ang mukha para ma-exercise ito. Then, I fixed myself, especially my look kasi nakakahiya kung makita ako ni Mathew sa pangit kong itsura. I woke up like this pero ‘di mo gugustuhing makita iyon. Tsk!
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko, napatingin ako sa tatlong bakanteng higaan na nasa harap ko. Mukhang gising na ang mga boys, dahil wala na sila sa mga kama nila. Napatingin din ako sa bawat gilid ko at nalaman kong natutulog pa ang dalawa — sina Elsa at Zaylee. You can’t blame them. Babae sila, and girls tended to wake up late than boys.
I stood from my bed at saka inayos ang higaan na ginamit ko. Actually, wala naman talagang dapat ayusin maliban sa mga ginamit kong jacket bilang kumot. While doing my best to fix the bed, pansin ko ang pagpasok ng isang anino sa tree house. Curious, tiningnan ko ito kung sino.
But upon seeing him, biglang uminit ang pisngi ko. Sino ba kasi ang hindi magba-blush kung makita mong nakahubad ng pantaas ang crush mo. Alam kong t-shirt lang ang hinubad, but the build and structure of his body was so tempting. Like I can watch them all day, especially the abs. Ack!
Pero dahil sobrang nakakahiya na titigan siya, napaiwas nalang ako ng tingin at pinipilit na hindi ulit mapatingin sa katawan niya.
“Good morning.” Bati niya habang tinungo ang higaan kung saan nakalagay ang mga gamit niya. I was not able to respond in his greeting kasi ‘di pa nakaka-move-on ang utak ko sa nakita ko kanina.
“Go…good morning.” Finally I said it. Pero ‘di pa rin ako nakatingin sa kanya. And I won’t, until he’s not naked anymore.
***
Sitting in front of a long table filled with various and unusual fruits was something na hindi ko maintindihan. Wink told us that we were having a feast for our arrival at ‘di ko lubos maisip na may panahon pa sila para dito. I mean, this world, and our world, were in grave danger and yet nandito kami, nagsasaya sa harap ng hapagkainan na tila walang masamang tao na nagbabalak na sakupin ang parehong mundo. Di naman sa hindi ko gusto ang paghahanda. It’s just that, masyado lang kasing inappropriate, lalo na sa nangyayari ngayon.
Pero naimpress ako sa ginawa nilang paghahanda. Even in their sizes, they still managed to gather this ample amount of fruits. Mukhang ‘size doesn’t matter’ nga.
"Good morning, my fellow Imers and our dear guests,” biglang bati sa aming lahat ni Elaira na siyang nagpatahimik sa buong mesa. “Today, we’re celebrating the birth of our new heroes!” she declared na siyang nagdulot ng isang malakas na hiyawan at sigawan. “From this day forward, hope is with us.” She finished at saka itinaas ang basong hawak niya na sa tingin ko ay may lamang alak o kung ano man ang laman nito.
Napataas din ng mga baso ang ibang Imer kaya sumunod nalang kami. Wearing our agitated smiles.
Declaring us as heroes, was too early. ‘Di pa nga namin natatapos ang gulo na ito — kung matapos man namin. They put too much trust na matatapos namin ito and I felt sorry for that. Even Mathew can’t tell kung mananalo kami o hindi.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...