CHAPTER TWENTY-THREE: THE BOX OF TRUTH

50 3 1
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

The Box of Truth

***

Audrey

Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit sa likod ko. Sleeping in this hard cold floor, made my back stiffed and sore. I gazed at my watch at nalaman kong alas-dose na pala ng tanghali, pero madilim pa rin dito sa Chimera. Napatingin ako sa mga kasama ko at pansin kong wala si Mathew, o baka namamalikmata lang ako. Isa-isa ko silang kinilala at wala talaga siya. Lima lang kami dito, plus isang aso at ibon.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, pero wala akong nakitang ni isang anino ng lalaking iyon. Pero napatigil ako nang mapansin ko ang isang liwanag na nanggagaling sa hallway ng mga kwarto. Could it be the ghost?

Curious, I stood on my feet and started scooting towards the light. Nang makalapit ako, dumungaw ako mula sa pader at nalaman kong nanggagaling ang liwanag sa loob ng kwarto na pinasukan namin kahapon ni Mathew. Nagpatuloy ako hanggang sa makalapit ako sa pinto. For the second time, sumilip na naman ako sa loob. I thought it was a ghost, pero si Mathew lang pala.

Then, an idea popped on my head. It’s time for a little revenge.

Tahimik akong naglakad papunta sa kanya hanggang sa ilang metro nalang ang layo ko sa kanya. Aktong hahawakan ko na sana ang balikat niya, katulad nang ginawa niya sa akin kahapon, nang magsalita siya, “Trying to scare me, Audrey?”

Gulat ako kung paano niya nalaman. Then, napafacepalm nalang ako nang maalala kong may precognitive ability nga pala siya — he’d probably predicted that I was going to scare him. Screw that ability. ‘Di na tuloy ako makaganti.

I let out a sigh at saka tumabi nalang sa kanya. Nalaman kong nakaharap pala siya sa isang kahon. A metallic and rigid box. At base sa itsura nito, it’s passcode automated. I wonder what’s inside of it?

“Ano yan?” takang tanong ko habang tinititigan ang kahon. The way Mathew looked at it, masasabi kong importante ito.

“Andrea mentioned this in their research,” Mathew glanced at the portrait again. “Ito yung habol ng kung ano man ang umaatake sa kanila.” Pagpapatuloy niya.

“Mabubuksan mo ba?” muling tanong ko, pero napailing siya.

“They didn’t mentioned the passcode. Mukhang kailangan pa nating hanapin iyon.” suhestiyon niya. “May nabanggit ba si Andrea sa journal niya?” tanong ni Mathew.

“Tingnan ko muna.” Tugon ko at saka siya tumango.

Bumalik ako sa kinahihigaan ko kanina at agad kinuha ang journal ni Andrea. While on my way back to the room, ay naghanap ako ng posibleng passcode ng kahon na iyon. I reached the room pero wala pa rin akong makita. I flipped and flipped until I reached the end of the journal.

“Nothing. Wala akong makitang kahina-hinala.” Pabibigay-alam ko.

Mathew nodded at saka muling tinitigan ang kahon. Then, I noticed something on the journal’s back cover. It’s a handwritten quote at mukhang si Andrea ang simulat nito.

“We shared something that no one can take.”

- The Box

Kunot-noo ko itong tinitigan. Ano bang ibig-sabihin ng quote na ‘to? At sino si The Bo—

Agad akong napatingin sa kahon at saka muling bumalik sa quote.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon