CHAPTER TWO: CHIMERA PROTECTION AGENCY

222 8 0
                                    

CHAPTER TWO

Chimera Protection Agency

***

Audrey

Nasa ere parin kami hanggang ngayon, at bored na bored na ako. Nope! Not just me but all of us, except sa piloto at sa babaeng maganda na busy sa kanyang tablet. Paano ba naman kasi eh hindi ako kinakausap ng tatlo. Mukhang natakot ata na mag-ingay o sadyang nahiya lang.

"Boring naman!" reklamo ni Eliott na kumuha sa atensiyon ng lahat. Hindi na nga siya nakatiis.

"Tsk, kanina nga lang excited kayong sumakay dito." Elsa stated na nagpangiti sa ilang mga estudyante.

“Kanina yun, hindi na ngayon.” Pagdedepensa ni Wayne na inirapan lang ni Elsa.

Nagsimula na ngang magbangayan ang tatlo habang hindi inaalintana ang mga matang nakatingin sa kanila. Habang nagtatalo ang tatlo, ako naman ay tahimik na nag-iisip. Hindi pa rin kasi mawala sa utak ko sila mama simula nang banggitin sila ng babaeng iyan. Ramdam ko ulit ang sakit at lungkot na inakala kong hindi ko na mararamdaman.

Sino ba kasi ang hindi masasaktan ng sobra kung ang mismong mga magulang mo ang nawala. Losing your parents was the worst and most painful part of everyone’s life. So painful that we even wished to die with them.

Gusto kong umiyak, but here’s not the right place. Too many eyes.

Tiningnan ko nalang ang tatlo na di parin tapos magbangayan para lang mabaling ang utak ko. Kung kami ni Wayne ay parang aso't-pusa kung mag-away, ito namang tatlo parang world war 3 kung magbangayan. Daig pa ang mga nuclear bomb sa talas ng pananalita nila. Napapansin kong tinatawanan na sila ng mga ibang estudyante, which was kinda good. At least they made everyone laugh despite of being in a confused situation we’re in right now.

Napatigil silang tatlo nang magsalita ang piloto. Nabaling naman ang atensiyon ng iba sa kanya, dahilan para pagtinginan siya. "Please prepare yourself as we are about to land!"

Ilang sandali lang at lumapag na nga sa lupa ang hovercraft ng maayos. He pulled the lever and pressed few buttons to turn off the engine. The woman pressed a button beside her that made the door opened.

Napatakip  kaming lahat ng mata dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa labas. A moment later, our vision turned back to normal kasabay ang mga ingay mula sa labas. Suddenly, the woman spoke that caught all of our attentions.

"Before I give you all your earbuds and personal codex, I would like to introduce myself first," sambit niya. I’ve been waiting for this since the moment she went into our room. "I’m Blair Hampton, the 7th generation Director of Chimera Protection Agency."

Yan pala yung meaning ng CPA. Pero ano ba ang Chimera? Tao ba yun? Lugar? baka naman hayop? at bakit kailangang protektahan? Dito ba nagtatrabaho mga magulang namin? Hayss, dagdag na naman to sa mga tanong ko. Pero infairness, maganda pangalan niya ha.

Nakita kong nagsimula na siyang magdistribute ng mga earbuds at tablets sa ibang estudyante. Since 15 lang kami, madali niya itong natapos. Parang ordinaryong mga earbuds lang naman ito, kaya lang may logo ito na katulad sa blouse ni Miss Blair. Ang tablet naman, ay kasinlaki at kamukha niya ang iPad kaya lang imbis na apple ang nasa likod, logo ng CPA ang nandoon.

"Use that carefully, we don’t have another one to spare." Miss Blair reminded.

So, kailangan talaga namin tong ingatan kasi wala na kaming makukuha na bago kapag nasira ito. Nag-alala tuloy ako kay Wayne. Umiinit kasi ulo niya kapag nagla-lag ang cellphone niya, tapos humahantong sa sitwasyon na itatapon niya nalang ito bigla. Kung bibilangin yung mga cellphone niya, siguro aabot na ng 20.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon