CHAPTER TWENTY: THE MOUNTAIN'S BEAST

41 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY

The Mountain’s Beast

***

Audrey

Gumagabi na pero nandito pa kami sa isang nakakatakot at tahimik na gubat. Ilang kilometro pa mula sa paanan ng bundok. At sa tingin ko ay hindi na namin maabutan iyon. Travelling at night was not a good idea. Pagod na din kami kaya tama lang naman siguro kung dito muna kami magpapalipas ng gabi.

So, I ran towards Mathew at saka nagsalita, "It's getting darker. I think we should continue this tomorrow?" Mathew stopped na siyang nagpatigil din sa iba. He looked at them na halos mapahiga na sa pagod.

“You’re right,” pagsang-ayon ni Mathew. “Let’s continue tomorrow!” anunsiyo nito. All of them sighed in relief at saka napaupo kung saan. Kahit si Torin, napahiga na sa lupa.

“Hate to tell you, but we can’t sleep here.” Puna ni Zaylee dahilan para libutin ko ng tingin ang buong gubat. She’s right. Maliit lang ang espasyo dito. We need to find a glade na magkakasya sa aming lahat.

Gulat nalang kami nang biglang may lumitaw na magic circle sa noo ni Elsa. Instead of white, kulay berde ito. Nakahawak siya sa puno habang parehong napapikit ang mata.

"What is she doing?" nagtatakang tanong ni Eliott.

“She’s connecting to the tree,” sagot ni Torin na kakatayo lang mula sa pagkakahiga. “Probably looking for a space na pwede nating mapagpahingahan.” Dugtong niya kasunod ang pag-alog ng katawan niya para tanggalin ang dumikit na mga dahon at ilang lupa.

"Just a few meters," biglang sabi ni Elsa na kasabay ang pagdilat ng mga mata niya. Wala na rin ang magic circle sa noo niya pero nakahawak pa rin siya sa puno. “On the east.” Turo niya sa direksiyon ng silangan.

“Thank you, Elsa. Why don’t you go there first,” Mathew suggested na sinang-ayunan namin. “Maghahanap muna kami ng mga panggatong.”

***

Two minutes had passed simula nung mahiwalay kami sa mga boys para puntahan ang sinasabing lugar na nakita ni Elsa. Kasama din namin si Torin na bitbit ng amo niya, matapos magreklamo na pagod na ang mga paa niya.

The sky went pitch black and wala kang makitang ni isang bituin sa langit. Pero may tila buwan din naman na nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi. Pero gaya ng araw, may mga rings din ito pero isa lang. Nagmukha tuloy itong Saturn, kung hindi lang dahil sa kulay nito na abuhin.

Although there’s a moon, madilim pa rin ang gubat at mahirap makita ang daan. But with the help of Zaylee’s magic trick, ang madilim na gubat ay bahagyang nagkaroon ng liwanag. Thanks to her orb of light.

After a few minutes of walking ay narating nga namin ang sinasabing espasyo na nakita ni Elsa. ‘Di naman siya ganun kalawak, pero sakto lang para magkasya kaming lahat. Medyo marumi nga lang dahil sa mga sanga at ilang mga dahong nandito.

"Paano natin sila mapapapunta dito?" nag-aalang tanong ni Elsa. “We can’t even use our earbuds kasi di naman natin alam ang address nito.” Dagdag niya na sinang-ayunan namin.

“Let me handle this,” biglang sabi ni Zaylee na agad naglabas ng spellbook. She flipped few pages hanggang sa mapatigil siya. “This will do.” Sambit niya at saka itinaas ang kamay niya na tila may inaabot sa langit. “Support Magic: Signum!” bulalas niya kasabay ang pagliwanag ng librong hawak niya.

Kasunod ng pagliwanag ng libro niya, ay ang paglitaw ng isang pentacle sa ibabaw ng nakataas niya kamay. From the pentacle, escaped a bright firework-like light na mabilis na tumungo papuntang langit. Nang malagpasan niya ang mga kahoy at marating ang kaitas-taasan ng gubat, ay huminto ito. It hovered up and down mid-air na tila isang bituin.

DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon