CHAPTER TWELVE
Trooper 101
***
Audrey
I was here in a meadow, running like a princess. The sun shone so bright and the breeze of the wind caressed my skin. But a man's shadow caught my eyes. He’s tall and had a good build. At kahit nakatalikod ay ramdam mo ang karisma niya. Even his back is seducing.
With my curiosity, lumapit ako sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya, unti-unting luminaw yung paningin ko, hanggang malinaw na nakita ko ang buong katawan niya. His pitch black hair, his broad shoulder, his protruding veins on his hands. So tempting.
I reached my hand for him but —
***
Ding Dong!
Hayss! Panira naman oh! Sino ba kasi yan? Gusto ko pang matulog! Nakakapagod kaya ang nangyari kahapon.
"Audrey? Tingnan mo muna yung pinto." Elsa grunted at saka inangat ang kumot para takpan ang buong katawan niya.
Maskin si Elsa ayaw pang bumangon. Pinilit kong inangat yung katawan ko kahit na gusto pa nitong magpahinga. Naglakad ako papunta sa —
Tug!
"Aray!" sigaw ko nang bigla akong mabangga sa kung ano. I rubbed my forehead trying to ease the pain while I heard a giggle behind me.
"Saan ka ba kasi pupunta? Closet yang pinuntahan mo hindi pinto!" natatawang asar ni Elsa. Tingnan mo nga naman, kailangan ko pa talagang mabundol para lang magising siya.
"Ako na nga lang magbubukas sa pinto." sambit niya at saka bumangon at tinungo ang pinto, habang ako ay napaupo sa harap ng closet habang himas-himas ang noo dahil sa sakit.
Ilang sandali lang, narinig kong tumatakbo si Elsa pabalik sa kwarto. Tiningnan ko siya at nakikita kong gulat na gulat siya. Nakakita na naman ba ‘to ng multo?
“Ba’t ganyan itsura mo? Para kang nakakita ulit ng multo." puna ko.
"Nandito na si Mathew!" natatarantang pagpapa-alam niya.
Si Mat lang pala.
"Bakit siya nandito ng ganito kaaga?" takang tanong ko habang si Elsa ay natatarantang kumukuha ng towel sa closet at damit.
"Umm…hello? It’s almost 9:00 am!" she informed in a panic voice. Nanlalaki ang mga mata niya na tila big deal na alas-noybe na nang umaga. Ano ba kasi ang mang —
"What?!" gulat kong tugon nang maalala ko na unang araw pala ng klase namin as Akhazels. "Paano na ‘to? ‘Di pa tayo nakakaligo at nakakabihis!" nag-aalalang sabi ko habang napahawak sa buhaghag kong buhok.
"Sabihin mo, maliligo muna tayo." Mungkahi niya na agad tinungo ang pinto palabas ng kwarto.
"Sige." Sagot ko at saka lumabas sa kwarto.
Todo ayos ako sa sarili ko habang tinutungo ko ang pinto. Ayokong magmukhang tanga sa harap niya. Nakakaturn-off kaya yun.
Nang marating ko ang pinto ay bumunot muna ako ng lakas ng loob at saka inihanda ang napakalawak kong ngiti. Binuksan ko ang pinto at bumungad mula rito ang isang gwapong lalaki.
“Good morning.” Bati niya habang nilalabas ang napakagwapo niyang ngiti. Magandang pambungad sa umaga.
“Morning,” tugon ko. “Pasensya na. Late kaming nagising kaya ‘di pa kami nakakapaghanda.” Pagpapaumanhin ko at saka siya napangiti.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...