CHAPTER FIFTEEN
Unwanted Guest
***
Audrey
Nagising ako sa pagkakatulog nang marinig ko ang mga yabag ng paa na bumababa sa hagdan. I looked at my watch and it’s only 4:30 in the morning. Akala ko si Elsa, but when I checked her bed above me, I saw her still silently sleeping. Pero mas kumuha ng atensiyon ko si Torin na gising na nakatingin sa bintana. He stared at it, dahilan para tingnan ko din ito.
Curious, I got up from my bed at saka tinungo ang bintanang tinititigan ng aso. Dumungaw ako dito at bumungad sa akin ang ganda ng buong baybayin. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita ko ang kumikinang na buhangin at dagat, ang pasukan papuntang gubat, at si Mathew…what?
I squinted my eyes as I watched a human figure walked towards the forest. At ‘di ako nagkakamali nga si Mathew nga ang nakita ko. Then I felt that threatening feeling again. As if something bad was going to happen.
Out of agitation for Mathew, I grabbed my jacket, my earbuds, and a flashlight. I was about to go out nang mapansin ko si Torin na nakatingin sa akin. He’s wiggling his tail habang nilalabas ang dila, as if he wanted to come with me.
“Stay,” utos ko. Agad siyang umupo at itinikom ang bibig. “Good boy.” Pagpupuri ko at saka hinimas ang ulo.
Nagpatuloy ako hanggang sa marating ko ang labas ng cabin. Agad kong tinungo ang gubat kung saan pumasok si Mathew. Dahil gabi pa, nagmistulang haunted forest ang gubat. Madilim, malamig at tanging mga ingay lang ng mga pagaspas ng dahon at ilang mga hayop ang maririnig. If you’re asking kung takot ako, yes. But not because I’m inside of a spooky forest but because of this feeling inside of me. Yung pag-aalala na naramdaman ko kanina, lumala nang pasukin ko ang gubat.
Ilang minuto akong naglakad hanggang sa marating ko ang isang glade. But something caught my eye. A tomb. If it’s not because of the flower na nakalagay sa ibabaw nito, ay ‘di ko malalaman na puntod pala ito ng magulang ni Mathew. But which one?
Aktong lalapit na sana ako sa puntod when I heard a familiar voice called my name. "Audrey?"
Nilingon ko siya and I saw Mathew standing just a meter away from me. Nang makita ko siya, ay agad gumaan ang loob ko. Looks like my instinct was wrong.
"Mat?” tawag ko sa kanya. “Ano bang ginagawa mo dito nang ganito kaaga?" tanong ko.
He walked passed through me and then stopped at the side of the tomb. "Paying my parents a visit." tugon niya habang hinahawakan ang mga bulaklak na nakalagay sa ibabaw ng puntod. But then something popped in my head. Why would he visit his parents in this time of the day? ‘Di ba kakatapos lang niyang bumisita kahapon.
Muli ko na namang naramdaman yung naramdaman ko kanina, but it’s stronger than before. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan. What is wrong with me?
“You know, pumunta ako dito para mapag-isa. But since you’re here, I’m going to kill you.” Mathew suddenly grabbed something in his back at saka itinuon sa akin. That’s when I found out that it’s a gun.
Dahil sa gulat ay napaatras ako. Along with it ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko at panlalamig ng katawan ko. My body shivered nang maramdaman ko ang ginaw.
"What?! Ano ba nangyayari sayo Mathew?" takot pero galit kong tanong sa kanya. He flashed a grinned na mas ikinatakot ko.
"Wala naman except sa kagustuhan kong patayin ka."
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
Science FictionBOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Battle in Chimera, 3rd Edition] Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na...